Loading...

Ano ang talagang nagdudulot ng kanser?
At ano ang hindi nagdudulot ng kanser?

Maraming tao ang nag-aalala na ang mga bagay na maaaring makaugnayan nila ay posibleng magdulot ng kanser. Ang ilan sa atin ay tumutungo sa social media, paghahanap sa internet, at mga kaibigan o kapamilya para sa impormasyon. Pero mahirap malaman kung anong impormasyon ang mapagkakatiwalaan at totoo.

Ang aming misyon

Nagbibigay ang FactFinder ng tumpak at mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa kung ano ang nagdudulot at hindi nagdudulot ng kanser. Nakakamit namin ito sa pamamagitan ng pagbubuod ng pinakamabuting impormasyong batay sa katibayan na available mula sa mga pag-aaral sa tao at ibinabahagi namin ang pananaliksik na ito sa publiko.

Alamin pa ang tungkol sa aming proseso

Maghanap sa FactFinder

Maraming pahayag ang FactFinder tungkol sa kung ano ang nagdudulot ng kanser, at ipinapakita nito ang mga katotohanan at mito tungkol sa kung ano talaga ang nagdudulot ng kanser.

Pumunta sa paghahanap sa FactFinder

Sa FactFinder, makikita mo ang lahat ng pahayag at puwede kang mag-filter ayon sa mga salita sa paghahanap.
O tumingin ayon sa kategorya:

Bakit napakahirap malaman kung ano ang nagdudulot ng kanser?

Maraming dahilan kung bakit maaaring mahirap ang paghahanap ng mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa kung ano ang nagdudulot at hindi nagdudulot ng kanser—kahit para sa mga dalubhasa:

Nagbabago ang impormasyon.

Maaaring nakakalito na makarinig na nagdudulot ng kanser ang isang bagay sa isang araw, at hindi na ito nagdudulot ng kanser sa susunod na araw. Pero maaaring mabuting bagay ito! Kadalasang nagbabago ang impormasyon dahil may natutuhang bagong bagay ang agham, at mas mabuti ang pananaliksik kaysa dati.

Matuto pa
Graphic showing two documents
Graphic showing line graph on whiteboard

Dahan-dahan at maaaring biglaan ang pag-unlad ng agham.

Maraming mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa mga sanhi ng kanser, pero madalang na may iisang sangguniang nagbibigay ng simple, malinaw, at depinitibong sagot na gusto nating makita. Kadalasang paunti-unting hakbang ang pag-usad ng agham, at madalas na nagtatagal ng maraming taon para magkasundo ang mga siyentipiko tungkol sa ugnayan ng sanhi at dulot nito. Sa ilang kaso, wala pa rin tayo roon o hindi pa kompleto ang sagot. Nilalagyan ng FactFinder ng petsa ang impormasyon nito, para malaman mo kung luma na ang isang bagay, at puwede naming i-update ito gamit ang bagong impormasyon at ipakita sa iyo na bago ito.

Matuto pa

Napakaraming maling impormasyon.

Puwedeng sabihin ng kahit sino na nagdudulot ang isang bagay ng kanser o hindi, may batayan man para sabihin iyon o wala. Karaniwang walang masamang layunin ang mga pahayag na ito, ngunit resulta ang mga ito ng hindi kompletong pag-unawa o hindi kompletong impormasyon. Karaniwang kasama ng maling impormasyon ang takot, at nagtutulak ito sa ibang tao na mag-imbestiga, ngunit maaaring mag-panic ang iba.

Kahit na maaaring may dahilan para mag-alala, mas madalas sa hindi, ginawa ang pahayag nang walang makatotohanang batayan. Kapag walang malinaw at tumpak na impormasyon, maaaring magresulta ito sa hindi kinakailangang takot at pag-alala. Sa pinakamalalang sitwasyon, maaaring magsagawa ang isang tao ng mga desisyon sa diyeta, paraan ng pamumuhay, o iba pa na maaaring may masamang epekto sa kalusugan. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang magkaroon ng tumpak at mapagkakatiwalaang impormasyon.

Matuto pa
Graphic showing numerous digital devices

Tungkol sa amin

Para gawin ang site na ito, sinuri ng isang team ng mga dalubhasa mula sa academia at ng komunidad, nang kasosyo ang Center for Cancer Equity and Engagement of the Dana-Farber/Harvard Cancer Center, ang mga buod ng siyentipikong katibayan mula sa mga pag-aaral sa tao tungkol sa kung ano ang ipinakitang nauugnay sa panganib na magkaroon ng kanser.

Alamin ang tungkol sa aming proseso
Kilalanin ang aming team
Paano ako magpapasiya kung ano ang paniniwalaan ko?
Tingnan ang aming mga paboritong sanggunian ng impormasyon