Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser sa suso ang pagsuot ng mga bra
Ang maaaring narinig mo
Nagdudulot ng kanser ang pagsuot ng bra.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Epidemiological na Katibayan
Nagkaroon ng alalahaning binabago ng pagsusuot ng bra ang paraan kung paano tinatanggal ng mga lymph node ang dumi at mga lason mula sa suso. Gayunpaman, walang epidemiological na katibayan para suportahan ang pahayag na ito.
Nakapanayam ng Fred Hutchinson Cancer Research Center (Sentro ng Pananaliksik sa Kanser na Fred Hutchinson) sa Seattle ang higit 1,000 babae na may mga pinakakaraniwang uri ng kanser sa suso at 500 babae na pinili nang random na walang kanser sa suso. Walang nahanap ang mga imbestigador na pagkakaiba sa pagitan ng mga nagsusuot ng bra at hindi (Harvard Health). Natuklasan din ng isang mas maagang pag-aaral ng Harvard School of Public Health (Paaralan sa Pampublikong Kalusugan ng Harvard) na walang kaugnayan noong tinanong nila ang 15,630 babae tungkol sa kanilang paggamit ng bra at kasaysayan ng kanser sa suso (Hsieh et al.). Iminumungkahi ng dalawang pag-aaral na ito na walang kaugnayan sa pagitan ng paggamit ng bra at kanser sa suso.
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Walang katibayan sa laboratoryo na nag-uugnay ng mga bra sa panganib na magkaroon ng kanser.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado.
Paano bawasan ang panganib sa iyo
May ilang kilalang salik ng panganib na nauugnay sa kanser sa suso. Malinaw na nauugnay ang pag-inom ng alak sa mas pinataas na panganib na magkaroon ng kanser sa suso, at tumataas ang panganib kapag umiinom ng mas maraming alak. Mababa (7-10%) ang pagtaas ng panganib para sa mga babaeng umiinom ng isang inuming may alak sa isang araw kumpara sa mga hindi umiinom; tumataas ang panganib na ito sa 20% para sa mga babaeng umiinom ng 2-3 inumin sa isang araw (ACS).
Isa pang salik sa panganib ang pagiging obese (pagkakaroon ng labis na timbang) pagkatapos ng menopause, o pagkakaroon ng BMI na 30.0 o higit pa. Karamihan ng estrogen ng babae ay mula sa tisyu ng taba pagkatapos ng menopause ng babae. Pinapataas ng labis na taba ang mga antas ng estrogen at ang panganib na magkaroon ng kanser sa suso. Ang mga babaeng may labis na timbang o obese ay madalas may mas mataas na antas ng insulin din, na nauugnay sa ilang kanser. Maaaring pababain ang parehong salik ng panganib na ito sa pamamagitan ng pisikal na aktibidad at masustansiyang diyeta, na nagpapababa sa panganib na magkaroon ng kanser sa suso (ACS).
Ang dapat tandaan
Walang epidemiological na katibayang sumusuporta sa kaugnayan sa pagitan ng paggamit ng bra at kanser sa suso.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Lifestyle-related breast cancer risk factors (Mga salik ng panganib ng kanser sa suso na nauugnay sa paraan ng pamumuhay)
ACS: Breast cancer risk factors you cannot change (Mga salik ng panganib ng kanser sa suso na hindi mo mababago)
Harvard Health: Breast cancer and bras (Kanser sa suso at mga bra)
Cancer Epidemiology, Biomarkers, and Prevention Journal: Bra Wearing Not Associated with Breast Cancer Risk
Hsieh et al. Breast size, handedness, and breast cancer risk (Laki ng suso, handedness, at panganib na magkaroon ng kanser sa suso)
Petsa
Inilathala: Hunyo 24, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022