Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

May matataas na antas ng kemikal na nagdudulot ng kanser ang mga loom band

Ang maaaring narinig mo

Binawi mula sa pagbebenta ang mga loom band dahil sa mga alalahanin tungkol sa panganib na magkaroon ng kanser.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Ang Rainbow Loom ay plastik na kagamitang ginagamit para maghabi ng maliliit at may kulay na rubber band (mga loom band) sa alahas. Binawi ang mga loom band mula sa pagbebenta pagkatapos malaman na mataas ang antas ng phthalates ng mga ito. Nakakabahala ito dahil maaaring magdulot ang phthalates ng mga problema sa kalusugan kung nakain/nainom nito sa paglipas ng oras. Karaniwang ginagamit ng mga bata ang mga loom band, at may panganib na mapunta sa bibig ng bata ang band.

Epidemiological na Katibayan

Malawak na pinag-aralan ang phthalates sa mga modelo ng hayop, at natuklasang may masasamang epekto ang pagkalantad sa phthalates habang nagbubuntis sa reproductive tract ng mga lalaking anak (Engel et al.). Sa loob ng nakaraang 10 taon, ipinakita ng mga pag-aaral na nakakaapekto ang pagkalantad sa phthalates habang nagbubuntis sa pag-unlad ng utak ng bata at pinapataas ng mga ito ang panganib na magkaroon sila ng mga kapansanan sa pag-aaral, pagbibigay ng pansin, at pag-uugali (Engel et al.). Marami pa ring tanong tungkol sa kung paano naaapektuhan ng phthalates ang kalusugan ng mga tao, at kailangan ng higit pang pananaliksik para masuri ang mga panganib sa kalusugan ng phthalates.

Maraming uri ng phthalates, at isa lang ang klasipikado bilang posibleng sanhi ng kanser ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser) at “makatuwirang inaasahan para maging carcinogen sa tao” ng National Toxicology Program (NTP o Pambansang Programa sa Toxicology): diethylhexyl phthalate (DEHP). Nahanap sa mga loom band ang mas matataas na dami ng DEHP kaysa sa legal na limitasyon. Gayunpaman, wala pang sapat na data na nakolekta sa mga tao para matukoy kung partikular na nauugnay sa pagkalantad sa mga loom band ang panganib na magkaroon ng kanser ang tao.

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Sa mga modelo ng hayop, natuklasang nagdudulot ang DEHP ng kanser sa atay, mga benign (hindi kumakalat) na tumor sa mga testicle, at benign na tumor sa pancreas.

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 2B (posibleng carcinogenic sa mga tao: Di(2-ethylhexyl)phthalate) at Group 3 (Hindi maklasipika pagdating sa pagiging carcinogenic nito sa mga tao: Butyl benzyl phthalate)

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Tulad ng binanggit kanina, binawi mula sa pagbebenta ang mga loom band dahil sa mga alalahanin tungkol sa panganib na magkaroon ng kanser. Pinakamataas ang pagkalantad kapag kumakain o umiinom ng mga bagay na may phthalates (CDC). Malaking alalahanin ang mga batang gumagapang, humahawak ng mga bagay na may phthalates, at inilalagay ang kanilang mga kamay sa kanilang bibig. Para tiyaking mababa ang pagkalantad sa phthalates, huwag kumain o uminom (o sa kaso ng mga loom band, huwag hayaan ang mga batang ilagay ang mga ito sa kanilang bibig) ng mga produktong kilalang may matataas na antas ng phthalates. Kabilang sa mga produktong ito ang ilang laruan, vinyl na sahig, vinyl na covering ng pader, mga detergent, mga pampadulas na langis, pambalot ng pagkain, gamot, bag ng dugo at tubo, at produkto para sa personal na pangangalaga, tulad ng nail polish, spray sa buhok, lotion pagkatapos mag-ahit, sabon, shampoo, atbp. (FDA).

Ang dapat tandaan

Kailangan ng higit pang pananaliksik para masuri ang kaugnayan sa pagitan ng pagkalantad sa phthalate at panganib na magkaroon ng kanser. Gayunpaman, nauugnay ang pagkalantad sa phthalate sa ibang kondisyong pangkalusugan, tulad ng mga depekto sa reproductive na kalusugan at pag-unlad ng utak ng mga bata. Kung gumagamit ng mga loom band ang iyong anak, tiyaking hindi niya inilalagay ang mga band sa kanyang bibig at na naghuhugas siya ng kamay pagkatapos hawakan ang mga ito.

BBC: Loom bands and cancer (Mga loom band at kanser)
Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit): Phthalate
Food & Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): Phthalates
Canadian Cancer Society: BPA
Engel et al. Neurotoxicity of Ortho-Phthalates
National Toxicology Program (NTP o Pambansang Programa sa Toxicology): Report on Carcinogens (Ulat sa Mga Carcinogen)
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Known and probable human carcinogens (Mga kilala at posibleng carcinogen sa tao)

Petsa

Inilathala: Hunyo 29, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022