Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Nagdudulot ng kanser ang paggamit ng pesticide

Ang maaaring narinig mo

Pinapataas ng pagkalantad sa mga pesticide ang panganib na magkaroon ng kanser.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Karaniwang ginagamit ang mga pesticide sa paggawa ng pagkain at paglutas sa pamumugad ng insekto. Nagdadala ng mga sakit ang mga lamok, garapata, daga, at bubwit, at magagamit ang mga pesticide para mabawasan ang pagkalantad ng mga tao sa mga pesteng ito (EPA).

Epidemiological na Katibayan

Napakahirap masukat ng pagkalantad sa mga pesticide, kaya hindi makakagawa ng mga naka-random na control trial. Maaaring matagal na panahon na ang nakalipas mula noong naganap ang mga pagkalantad na posibleng nauugnay sa panganib na magkaroon ng kanser, at halos imposible para tumpak na maiulat ng isang tao kung aling mga pagkalantad ang naranasan nila maraming taon na ang nakalipas. Ang mga pag-aaral sa trabaho ang naging pinakakapaki-pakinabang sa pag-unawa ng epekto ng mga pesticide sa lugar ng trabaho (halimbawa, sa mga manggagawa sa agrikultura), at maraming nag-ulat na ang maraming pagkalantad sa mga pesticide ay nakakapagpagpataas ng maraming uri ng kanser tulad ng: kanser sa utak, suso, bato, baga, ovary, pancreas, at prostate (Bassil et al.).

Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan

Naipakita sa mga pag-aaral sa toxicology na nagdudulot ng kanser ang ilang pesticide. Ipinakita sa mga pag-aaral sa laboratoryo na nagdudulot ang DDT ng mga tumor sa mga atay ng mga daga at bubwit.

Ipinapahiwatig na nagdudulot ang Lindane ng kanser pero kailangan ng higit pang data para mas masuri ito. Ipinakitang nagdudulot ito ng mga tumor sa baga (Burns et al.)

Glyphosate

Epidemiological na Katibayan

Ipinakita ng karamihan sa mga epidemiological na pag-aaral at ng balanse ng epidemiological na katibayan na ang glyphosate, isang karaniwang pesticide na ginagamit para pumatay ng mga weed, ay hindi carcinogenic para sa mga tao (EPA). Gayunpaman, nananatiling maraming kontrobersya tungkol sa mga natuklasang ito at ang pagiging carcinogen ng glyphosate sa mga karaniwang antas ng pagkalantad ng tao ay hindi itinuturing ng iba bilang naresolba na.

Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan

Karaniwang sumasang-ayon ang katibayan sa laboratoryo sa epidemiological na katibayan na ang pagkalantad sa mga pesticide na glyphosate ang pangunahing sangkap ay karaniwang ligtas para sa mga hayop (Jarrell et al.).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: 2A (Posibleng carcinogenic sa mga tao: Glyphosate)

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Puwede mong limitahan ang paggamit ng mga pesticide sa pamamagitan ng pagpili ng mga hindi kemikal na pamamaraan para kontrolin ang dami ng peste sa bakuran. Magagamit ang mga mekanikal na bitag para makahuli ng mga hindi ninanais na insekto, at makakatulong sa pagbabawas ng mga aphid ang pagpapalaya ng mga kapaki-pakinabang na insekto sa bakuran. Mababawasan ng mga ladybug ang mga aphid.

Kung gumagamit ka ng mga pesticide, tiyaking sundin ang mga tagubilin sa bote at magsuot ng pamprotektang damit kapag nagse-spray. Gumamit ng guwantes, pamprotektang salamin, at tiyaking nasa lugar kang may mabuting bentilasyon. Ilayo ang mga bata, alagang hayop, at laruan mula sa mga lugar na nilagyan ng kemikal(NY Health).

Ang dapat tandaan

Itinuturing ng IARC at EPA bilang nakakapinsala at nakakadulot ng kanser ang ilang pesticide. Kahit na itinuturing ng EPA bilang ligtas ang ilang pesticide tulad ng glyphosate, kailangan ng higit pang pananaliksik para suriiin kung anong ibang indibidwal na pesticide ang nakakapinsala.

Reducing Pesticide Exposure (Pagbabawas sa Pagkalantad sa Pesticide)

Cancer and Occupational Exposure (Kanser at Pagkakalantad sa Trabaho)

Petsa

Agosto 22, 2022
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022