Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang shampoo na may formaldehyde
Ang maaaring narinig mo
Carcinogen ang shampoo na may formaldehyde.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Maraming produkto para sa pangangalaga ng buhok, tulad ng mga shampoo at mga leave-in conditioner, ay may formaldehye o ibang anyo nito, tulad ng formalin at methylene glycol. Kapag pinainitan ang mga produktong ito, lumalabas ang formaldehyde sa hangin bilang gas. Puwede itong mangyari sa pamamagitan ng pag-blow dry, pagpapatuwid, o pagkulot ng buhok.
Ang formaldehyde ay walang kulay na gas na may malakas na amoy na mapanganib sa kalusugan kapag nalanghap.
Ayon sa National Cancer Institute (Pambansang Institusyon para sa Kanser), kapag mas marami sa 0.1 part-per-million (ppm) ang formaldehyde sa hangin, maaaring makaranas ang ilang tao ng mga negatibong epekto sa kalusugan, tulad ng matubig na mata; nasusunog na pakiramdam sa mata, ilong, at lalamunan; pag-ubo; wheezing (pagkahingal); pagduduwal; at iritasyon sa balat (NCI).
Maaaring magkaroon ng sensitization ng balat o allergic dermatitis pagkatapos ng paulit-ulit na pagkalantad sa mga sangkap na nauugnay sa formaldehyde at maaari itong magdulot ng iritasyon sa mata, ilong, at baga kapag nailabas ito sa hangin (NCI).
Kapag mas marami (at mas matagal) ang pagkalantad sa formaldehyde, mas malaki ang panganib sa kalusugan. Halimbawa, kung hindi mabuti ang bentilasyon sa isang salon, nasa panganib ang parehong mga propesyonal sa salon at mga kliyente nito na mahinga ang nailabas na formaldehyde (FDA). Naglabas ang OSHA ng Hazard Alert (Alerto sa Panganib) sa mga may-ari at manggagawa sa hair salon tungkol sa posibleng pagkalantad sa formaldehyde at nagtakda ito ng pamantayan (29 CFR 1910.1048) na naglilimita sa pinapahintulutang pagkalantad sa hangin.
Epidemiological na Katibayan
Ipinapahiwatig ng ilang pag-aaral ng formaldehyde sa tao na ang pangmatagalang pagkalantad ay maaaring magdulot ng mga hematolymphopoietic cancer kabilang ang mga leukemia at lymphoma (Swenberg et al.)
Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan
Ginamit din ng ilang pag-aaral sa laboratoryo ang mga modelo ng daga, na natuklasang nagdudulot ng kanser sa ilong ang pangmatagalang pagkalantad sa formaldehyde (NCI).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (carcinogenic sa mga tao: Formaldehyde)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Kung nag-aalala ka tungkol sa iritasyon sa balat o mata dahil sa mga produktong may formaldehyde, maaaring gustuhin mong lumipat sa mga produkto na walang mga kemikal na ito. Posibleng hindi nakalista ang formaldehyde sa mga sangkap ng isang produkto, pero may dalawang sangkap na nauugnay sa formaldehyde na maaaring magdulot ng mga katulad na epekto: formalin at methylene glycol.
Ang ilang website, tulad ng Skin Deep Database ng Environmental Working Group o MADE SAFE, ay nagbibigay ng rating para sa kaligtasan ng mga sangkap na ginagamit sa mga produkto para sa personal na pangangalaga. Nagpo-post din ang mga website na ito ng mga listahan ng mga brand na may ilang partikular na kemikal. Ang smartphone app na Detox Me ay may maraming tip para matulungan kang pumili ng mas ligtas na mga produkto.
Maaaring maituro rin sa iyo ng dermatologist at/o parmasyutiko ang mga produktong wala ng mga kemikal na gusto mong iwasan.
Puwede mong direktang iulat ang anumang hindi mabuting reaksyon sa kalusugan sa FDA gamit ang link na ito: FDA MedWatch Adverse Event Reporting System.
Ang dapat tandaan
May mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser ang mga taong nagtatrabaho sa mga salon dahil sa paulit-ulit na pagkalantad sa formaldehyde, na nabubuo kapag nainitan ang mga shampoo na may formaldehyde. Pag-isipang gumamit ng mga shampoo na walang formaldehyde.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Environmental Working Group (EWG o Working Group para sa Kalikasan): Skin Deep Database
MADE SAFE
Food & Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): Formaldehyde and hair products (Formaldehyde at mga produkto para sa buhok)
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Formaldehyde and cancer (Formaldehyde at kanser)
OSHA: Formaldehyde
OSHA: Formaldehyde in hair salons
Petsa
Inilathala: Hulyo 9, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022