Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Nagdudulot ng kanser ang sodium lauryl sulfate (na mahahanap sa maraming shampoo

Ang maaaring narinig mo

Nagdudulot ng kanser ang pag-shampoo gamit ang mga produktong may SLS.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Ang SLS ay panlinis at surfactant na ginagamit sa maraming produkto para sa personal na pangangalaga at panlinis.

Epidemiological na Katibayan

Kahit na maaaring magdulot ng iritasyon sa mata (o pinsala sa mata kapag marami nito) at iritasyon sa balat ang mga kemikal na SLS kapag wala itong ibang kasama, walang katibayan kung carcinogen ang sodium lauryl sulfate o hindi. Nakumpirma ito ng maraming ahensiya ng pamahalaan at pandaigdigang ahensiya, tulad ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser), U.S. National Toxicology Program (Pambansang Programa sa Toxicology), California Proposition 65 List of Carcinogens, U.S. Environmental Protection Agency (Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran), at European Union.Bondi et al.).

Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan

May nakitang mga senyas ng iritasyon sa balat sa ilang pag-aaral sa laboratoryo na ginawa sa mga bubwit, pero walang cancerous na epekto noong nalantad sa sodium lauryl sulfate (Rovira et al.).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Kahit na hindi nagdudulot ng kanser ang SLS, inirerekomenda ng mga eksperto ang paglipat sa mga produktong walang kemikal na ito para maiwasan ang anumang iritasyon sa balat. Ang ilang website, tulad ng Skin Deep Database ng Environmental Working Group o MADE SAFE, ay nagbibigay ng rating para sa kaligtasan ng mga sangkap na ginagamit sa mga produkto para sa personal na pangangalaga; nagpo-post din ang mga website na ito ng mga listahan ng mga brand na naglalaman ng bawat uri ng kemikal.

Malinaw na makikita sa label kapag walang SLS ang mga shampoo at makikita ang mga ito sa anumang supermarket o botika. Maaaring maituro rin sa iyo ng dermatologist at/o parmasyutiko ang mga produktong wala ng mga kemikal na gusto mong iwasan.

Ang dapat tandaan

Hindi carcinogen ang SLS, ngunit maraming platform na nagbibigay ng impormasyon at alternatibong produkto kung nagdudulot ang kemikal na ito ng iritasyon sa mata o balat.

Bondi et al.: Human and Environmental Toxicity of Sodium Lauryl Sulfate (SLS)
Environmental Working Group (EWG o Working Group para sa Kalikasan): Skin Deep Database
MADE SAFE
Snopes: SLS and Cancer (SLS at Kanser)

Petsa

Inilathala: Hulyo 9, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022