Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Nagdudulot ng kanser ang mga plastik na bote ng tubig

Ang maaaring narinig mo

May mga inilabas nang babala tungkol sa mga panganib na magkaroon ng kanser dahil sa pag-inom mula sa mga plastik na bote ng tubig.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Nagkaroon ng mga alalahanin tungkol sa panganib na magkaroon ng kanser dahil sa diethylhexyl adipate (DEHA), diethylhexyl phthalate (DEHP), o bisphenol A (BPA) na mahahanap sa mga plastik na bote ng tubig.

Isinaad ng American Cancer Society (Kapisanan sa Kanser ng Amerika) na ang mga viral na mensaheng nagbababala laban sa paggamit ng plastik na bote ng tubig ay hindi batay sa peer-reviewed na pananaliksik (ACS). Dagdag pa, isinaad ng Environmental Protection Agency (Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran) na ang DEHA ay “hindi makatuwirang maaasahang magdudulot ng kanser; immunotoxicity; pag-mutate ng gene; pagkalason ng atay, bato, o sa reproductive o developmental na sistema; o ibang pangmatagalang epekto sa kalusugan na malubha o hindi magagamot” (JNCI).

Epidemiological na Katibayan

Ayon sa Cancer Research Center (Sentro ng Pananaliksik sa Kanser) sa UK, nagkaroon ng ilang pag-aaral na nagsasabing ligtas inumin ang mga kemikal na mahahahanap sa plastik dahil mababa lang ang antas ng pagkalantad (Cancer Research UK).

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Sinuri ng mga mananaliksik ang 10 karaniwang brand ng de-boteng tubig na itinabi sa iba’t ibang kondisyon. Natuklasan nilang may papel ang temperatura at pagkalantad sa araw sa pagkasira ng mga phthalate sa paglipas ng panahon, at na mas mataas ang antas ng DEHP sa mga nagyeyelong temperatura. Gayunpaman, ang mga antas ng DEHP sa mga sample (sa pagitan ng 0.296 at 1.778 mg/kg/araw) ay higit na mas mababa sa maximum na ligtas na dosis ng EPA na 20 mg/kg/araw (Al-Saleh et al.). Pang-industriyang kemikal ang BPA na ginagamit para gumawa ng plastik mula pa noong dekadang 1960. Kadalasang ginagamit ang mga plastik na ito para gumawa ng mga lalagyan ng pagkain at mga inumin. Batay sa mga pag-aaral sa hayop, malamang na magdudulot ng mga negatibong epekto sa kalusugan sa bato at atay ang pagkalantad sa BPO sa matataas na dosis (higit 100 beses sa antas na itinakdang ligtas ng FDA). Ngunit ipinahayag ng Food and Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot) ng U.S. na ligtas ang BPA sa mga napakababang antas na maaaring magresulta sa paggamit ng bote ng tubig (FDA). Batay ito sa pagsusuri ng daan-daang pag-aaral (kung saan marami ang sumuri kahit ng pag-init sa plastik nang ilang oras), ngunit patuloy na sinusubaybayan ng FDA ang pananaliksik na ito (JNCI).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 3 (hindi maklasipika pagdating sa pagiging carcinogenic nito sa mga tao: Bisphenol A diglycidyl ether (Araldite)).

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Iniulat ng FDA, ang katawang nangangasiwa sa kaligtasan ng pagkain, na ang BPA, DEHP, at DEHA ay walang panganib sa kalusugan ng tao mula sa mga pagkain dahil ang mga kasalukuyang antas ng pagkalantad ay sapat na mas mababa sa katanggap-tanggap na pang-araw-araw na intake (FDA). Gayunpaman, kung nag-aalala ka tungkol sa pagkalantad sa BPA, sa halip ay pumili ng mga bote ng tubig na stainless steel o glass. Dagdag pa, ang ilan, ngunit hindi lahat, ng mga plastik na minarkahan ng mga kodigo sa pag-recycle na 3 o 7 ay maaaring ginawa gamit ang BPA.

Ang dapat tandaan

Walang sapat na katibayang nagpapahiwatig na nagdudulot ng kanser ang mga plastik na bote ng tubig. Gayunpaman, hindi pare-pareho ang kemikal na komposisyon ng lahat ng plastik na bote ng tubig, at nagpapatuloy pa ang mga pag-aaral tungkol sa pagkalantad sa mga partikular na sangkap ng mga bote ng tubig.

European Food Safety Authority Commission (EFSA o Komisyon ng Awtoridad sa Kaligtasan ng Pagkain ng Europa): Safety of bisphenol A (Kaligtasan ng bisphenol A)
EFSA: BPA
Cancer Research UK: Plastic and cancer (Plastik at kanser)
Fillon. Getting It Right: BPA and the Difficulty Proving Environmental Cancer Risks
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Water bottle myths (Mga kathang-isip sa bote ng tubig)
Food & Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): BPA and food contact (BPA at pagdikit sa pagkain)
Al-Saleh et al. Phthalate Residues in Plastic Bottled Waters

Petsa

Inilathala: Hunyo 1, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022