Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang pagkain ng mga prutas at gulay (tulad ng mansanas) na may wax na coating
Ang maaaring narinig mo
Nagpapataas sa iyong panganib na magka-kanser ang pagkain ng wax sa mga prutas at gulay
Ang sinasabi ng agham sa atin
Ang wax sa prutas, na lubos na pinahina na, ay may mga fungicide para pigilan ang pagkalat ng amag, sugar cane, beeswax, carnauba wax, at mga resin.
Epidemiological na Katibayan
Maaaring may mga carcinogen ang mga kemikal na tulad ng mga pesticide na nauugnay sa pagtatanim ng prutas, pero walang katibayan mula sa mga pag-aaral sa tao na ang pagkalantad sa wax sa prutas o gulay ay may mga kemikal na nagdudulot ng kanser kapag nakain ito ng mga tao.
Responsable ang Environmental Protection Agency (EPA o Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran) para sa pagtiyak na ang lahat ng pesticide o fungicide ay nakakatugon sa Food Quality Protection Act (FQPA o Batas sa Pagprotekta ng Kalidad ng Pagkain). Isinasaad ng EPA na ligtas ang mga prutas o gulay na nilagyan ng mga pesticide at makakain ang mga ito “nang may makatuwirang kasiguraduhan na hindi ito makakasama sa mga sanggol at bata, pati na rin sa mga nasa hustong gulang” (EPA). Patuloy na sinusubaybayan ng EPA ang mga bago at umiiral na pesticide para tiyaking pwedeng kainin ang mga ito.
Sinusubaybayan ang wax sa prutas ng U.S. Food and Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot). Isinasaad ng FDA na dapat sundin ng mga nagmamanupaktura at negosyong retail ang mga partikular na alituntunin sa Federal Food, Drug, and Cosmetic Act (Pederal na Batas sa Pagkain, Gamot, at Kosmetiko) (Federal Food, Drug, and Cosmetic Act (FD&C Act o Pederal na Batas sa Pagkain, Gamot, at Kosmetiko). Kasama rito ang paggamit ng mga ligtas at makakaing sangkap sa coating ng anumang produkto at pag-minimize ng panganib ng mga nakakapinsalang coating sa mga prutas at gulay (FDA).
Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan
May limitadong katibayan sa laboratoryo tungkol sa mga epekto ng wax sa gulay at prutas sa mga hayop.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Hindi inaaprubahan ng FDA ang anumang carcinogenic na coating na ginagamit sa mga produktong pagkain. Kung may coating, sinuri na ito at natukoy bilang ligtas na kainin ng FDA.
Kung gusto mo pa ring iwasan ang pagkain sa may wax na coating, may mga prutas na walang coating. Kadalasang inilalagay ng mga produkto sa label kung may coating sa mga sangkap nito. Kung hindi ito nakalista sa produkto, kadalasang nakalista ito sa website ng produkto.
Posibleng madaling maalis ang mga coating na ito sa ilalim ng dumadaloy na tubig, o kung water repellent ang coating, sa pamamagitan ng pag-alis sa balat. Ang pagbanlaw at pagbalat sa iyong mga prutas at gulay ay napakagandang paraan para tiyaking hindi mo makakain ang may wax na coating.
Ang dapat tandaan
Hindi mapanganib ang mga coating sa mga prutas at gulay sa ilalim ng mga alituntunin ng FDA at EPA, pero ang pagbanlaw at pagbalat sa mga prutas at gulay ay nakakatulong na alisin ang wax.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Federal Food, Drug, and Cosmetic Act (FD&C Act o Pederal na Batas sa Pagkain, Gamot, at Kosmetiko)
CPG Sec 562.550 Safety and Labeling of Waxed (Coated) Fruits and Vegetables
Environmental Protection Agency (EPA o Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran): Pesticides and food (Mga pesticide at pagkain)
World Health Organization (WHO): Food additives (Mga additive sa pagkain)
Petsa
Hunyo 24, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022