Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang hormone replacement therapy
Ang maaaring narinig mo
Ang mga babaeng tumatanggap ng hormone replacement therapy ay nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser sa suso.
Ang sinasabi ng agham sa atin
May iba’t ibang uri ng hormone replacement therapy (HRT), kasama ang estrogen lang, estrogen + progestin (pinagsama), o mga bioidentical na hormone replacement therapy.
Estrogen. Kahit na pinapabuti ng hormone replacement therapy gamit ang estrogen lang ang mga sintomas ng menopause at maaari nitong mabawasan ang panganib na magkaroon ng kanser sa suso ang mga taong walang kasaysayan sa pamilya ng pagkakaroon ng kanser sa suso, pinapataas nito ang panganib na magkaroon ng endometrial (lining ng uterus) cancer (ACS). Nananatiling mas mataas kaysa sa normal ang panganib na magkaroon ng endometrial cancer kahit pagkatapos itigil ang therapy.
Estrogen + progestin (pinagsama). Puwede mo ring gamutin ang mga sintomas ng menopause gamit ang therapy na estrogen at progestin, na tinatawag na therapy ng pinagsamang hormone. Kapag mas matagal ginamit ang HRT, mas mataas ang panganib. Bumabalik sa normal ang panganib sa loob ng tatlong taon pagkatapos itigil ang paggamit ng mga hormone, kaya may benepisyo ang pagtigil sa HRT kung sinimulan na ng babae ang paggamot.
Bioidentical hormone therapy. Gumagamit ang therapy sa hormone na ito ng mga hormone na may estrogen at progesterone na may parehong estrukturang kemikal sa mga hormone na natural na makikita sa katawan.
Epidemiological na Katibayan
Ipinapababa ng progestin sa therapy ng pinagsamang hormone ang panganib na magkaroon ng endometrial cancer na pinapataas ng estrogen. Gayunpaman, ipinakita ng pag-aaral ng Women’s Health Initiative (Inisyatiba sa Kalusugan ng Kababaihan) na ang mga babaeng gumagamit ng therapy ng pinagsamang hormone ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser sa suso at ovary (NCI). May nahanap din ang Million Women Study (Pag-aaral sa Isang Milyong Babae) na pagtaas sa panganib na magkaroon ng kanser sa suso para sa therapy na pinagsamang estrogen at progestin (Clarkson et al.).
Kahit na ineendorso ang bioidentical hormone therapy bilang ligtas na alternatibo, walang pag-aaral ang nakatuklas na mas hindi malubha ang mga side effect para sa mga babaeng tumatanggap ng mga bio-identical na hormone (NCI). Pareho ang panganib sa kalusugan ng mga bioidentical na hormone at ng anumang iba pang uri ng therapy sa hormone.
Katibayan sa Toxicology/Pansuportang Katibayan
Ipinakita ng mga pag-aaral na sumuri sa epekto ng HRT sa mga unggoy at daga na ang pagbibigay ng estrogen + progestin ay nagpataas sa panganib na magkaroon ng kanser sa suso (Clarkson et al.)
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (carcinogenic sa mga tao)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Dapat gawin ang anumang desisyong gumamit ng estrogen, nang mag-isa man o kasama ng therapy na progestin, ng bawat indibidwal na babae at kanyang doktor pagkatapos isaalang-alang ang lahat ng panganib at benepisyo (ACS). Ilang bagay na dapat isaalang-alang ang baseline na panganib na magkaroon ng kanser sa suso, endometrial cancer, at kanser sa ovary (at kung paano ito maaapektuhan ng therapy sa hormone); panganib na magkaroon ng ibang malubhang kondisyong naaapektuhan ng therapy sa hormone (halimbawa: sakit sa puso, stroke, malubhang pamumuo ng dugo, at mga epekto sa utak); at kung anong ibang gamot ang magagamit para gamutin ang osteoporosis o mga sintomas ng menopause. Kung nagdesisyon kang tumanggap ng HRT, pinakamainam na gamitin ito sa pinakamababang dosis na kinakailangan, sa pinakamaikling panahong maaari, at patuloy na regular na magpatingin sa iyong doktor para masubaybayan ka niya para sa anumang side effect (ACS).
Tandaan: Dapat iulat kaagad ng lahat ng babae ang anumang pagdurugo mula sa ari na magaganap pagkatapos ng menopause; maaaring palatandaan ito ng endometrial cancer. Kahit na hindi mataas ang panganib para sa iyo, may pagkakataong magkaroon ka pa rin ng endometrial cancer.
Ang dapat tandaan
Maaaring pataasin ng HRT ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa suso, endometrial cancer, at/o kanser sa ovary. Kausapin ang iyong doktor bago magdesisyon tungkol sa hormone replacement therapy.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): HRT
BreastCancer.org: HRT
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): HRT
MD Anderson: Hormones and cancer (Mga hormone at kanser)
Petsa
Inilathala noong: Hunyo 10, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022