Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Nagdudulot ng kanser ang pagtayo malapit sa microwave habang ginagamit ito

Ang maaaring narinig mo

Nagpapataas sa iyong panganib na magka-kanser ang pagtayo nang masyadong malapit sa microwave.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Hindi naglalabas ang mga microwave ng sapat na radiofrequency radiation para maging nakapipinsala sa mga tao (ACS). Idinisenyo ang mga microwave oven para manatili lang sa loob ng oven mismo ang microwave radiation. Gumagawa lang ang oven ng mga microwave kapag nakasara ang pinto at naka-on ito.

Epidemiological na Katibayan

Kapag mabuti ang kondisyon ng mga microwave oven at ginagamit ang mga ito ayon sa mga tagubilin, walang katibayan na may panganib ang mga ito sa kalusugan ng tao.

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Napakakaunti ng mga pag-aaral sa hayop o sa laboratoryo na tumitingin sa kaugnayan sa pagitan ng mga microwave at kanser.

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 2B (posibleng carcinogenic kung sira/bukas ang microwave)

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Ang pinakamainam na paraan para mabawasan ang panganib sa iyo ay ang pagtiyak na nasa mabuting umaandar na kondisyon ang iyong microwave. Palitan ang iyong microwave kapag nasira ito, dahil maaaring hayaan nito ang paglabas ng radiation na posibleng nakakasama sa mga tao kung hindi ito matugunan.

Ang dapat tandaan

Hindi mapanganib ang paggamit ng microwave, hangga’t nasa mabuting umaandar na kondisyon ang microwave.

American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Radiofrequency (RF) radiation
Scientific American: Do Microwaves Cause Cancer? (Nagdudulot ba ng Kanser ang Mga Microwave?)

Petsa

Inilathala: Hunyo 11, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022