Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang pag-ihaw ng karne
Ang maaaring narinig mo
Pinapataas ng pagkaing medyo sunog at sunog na pagkain ang panganib na magkaroon ka ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Ang pagsunog nang kaunti (charring) o pagsunog ng karne, manok, o isda sa matataas na temperatura ay nagdudulot ng pagbuo ng mga heterocyclic amine (HCA). Ang pagkaing niluto sa higit sa 300 ºF at para sa matagal na panahon ay nagdudulot ng pagbuo ng mga HCA (NCI).
Epidemiological na Katibayan
Nagdudulot ang mga HCA ng pinsala sa DNA at pinapataas ng mga ito ang panganib na magkaroon ang isang tao ng mga kanser sa tiyan at colorectal cancerCedars-Sinai). Ipinakita ng ilang epidemiological na pag-aaral ang positibong ugnayan sa pagitan ng mga HCA at panganib nag magkaroon ng kanser (Sugimura). Ipinakita rin ng ibang pag-aaral sa hayop ang pagiging carcinogenic ng mga HCA, nang may pagbuo ng kanser sa suso, colon, at prostate sa mga daga (Sugimura).
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Naaayon ang katibayan sa laboratoryo para sa mga HCA sa kanser sa epidemiological na katibayan.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 2A/2B (posibleng carcinogenic sa mga tao: iba’t ibang Heterocyclic amine – HCA)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Para mabawasan ang panganib na magkaroon ka ng colorectal cancer, iwasan ang mga naprosesong karne, bawasan ang pagkain ng pulang karne, at kumain ng mga gulay sa halip na karne. Iwasan ang pagsunog nang kaunti (charring) o pagsunog ng karne, manok, o isda (MD Anderson). Ito ang ilang tip para sa pagbawas ng dami ng charred o sunog na materyal na dumidikit sa pagkain mo:
- Kaunting mantika lang ang ilagay sa ihawan
- Babaan ang temperatura (sa pamamagitan ng pantay-pantay na paglagay ng uling o paglayo ng pagkain sa mga uling)
- Kuskusin ang ihawan pagkatapos gamitin ito
- Gumamit ng marinade: Tumutulong itong mabawasan ang pagbuo ng HCA nang hanggang 96% (MD Anderson)
- Tanggalin ang taba mula sa karne Mababawasan nito ang pagkalantad sa mga olycyclic aromatic hydrocarbon (PAH) na nagdudulot ng kanser, na nabubuo kapag tumutulo ang taba sa pinanggalingan ng init. Puno ng PAH ang usok na pumapalibot at pumapasok sa pagkain mo. Mababawasan ng pagpili ng mga hiwa ng karneng wala masyadong taba ang iyong pagkalantad habang nag-iihaw.
Ang dapat tandaan
Ang pag-ihaw sa mataas na temperatura at pagkain ng medyo sunog (charred) na karne, manok, o isda ay maaaring magpataas ng panganib na magkaroon ng colorectal cancer. Para mabawasan ang panganib sa iyo, kumain ng halaman sa halip na karne, o iwasan ang pagsunog nang kaunti (charring) o pagsunog ng karne, manok, o isda.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
MD Anderson: Healthier grilling (MD Anderson: Mas malusog na pag-ihaw)
Cedars-Sinai: Healthy grilling (Malusog na pag-ihaw)
Petsa
Hunyo 25, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022