Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Mas mataas ang panganib ng mga piloto at flight attendant na magkaroon ng kanser
Ang maaaring narinig mo
Ang mga taong madalas kung lumipad, tulad ng mga piloto at flight attendant, ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Nalalantad ang mga crew ng eroplano sa mas matataas na antas ng radiaton (partikular ang cosmic ionizing radiation, isang uri ng radiation na nanggagaling sa kalawakan). Kilala ang cosmic ionizing radiation na nagdudulot ng kanser, at ang mga crew ng eroplano ang may pinakamataas na average na pagkalantad sa lahat ng manggagawang nalalantad sa radiation sa Estados Unidos (CDC). Madalas na nakakaranas din ng pagkahadlang sa siklo ng pagtulog ang mga crew ng eroplano.
Epidemiological na Katibayan
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit), ang parehong mga babae at lalaking miyembro ng crew ng eroplano ay may mas mataas na panganib para sa kanser sa balat. Mas mataas ang panganib na magkaroon ng kanser sa suso ang mga babaeng miyembro ng crew, at mas mataas ang panganib na magkaroon ng Kaposi sarcoma at non-Hodgkin lymphoma ang mga lalaking miyembro ng crew (CDC). Kahit na walang sapat na katibayan para suportahan ang mga ito, hindi pa rin sigurado ang mga siyentipiko kung bakit totoo ito, ngunit may ilang teorya sila:
- Ang UV radiation mula sa pagkalantad sa araw ay malaking salik sa panganib para sa malignant (kumakalat) na melanoma, at higit na mas malakas ang UV radiation sa mas matataas na altitude. Hinaharangan ng mga bintana sa mga komersyal na eroplano ang ilang radiation, pero hindi ang lahat nito (CDC).
- Pagklantad sa mas matataas na antas ng cosmic ionizing radiation (CDC)
- Ang paghadlang sa circadian rhythm (siklo ng pagtulog) dahil sa pagbiyahe sa iba’t ibang zone ng oras, at pagtrabaho sa oras kung kailan karaniwang tulog ang mga tao (CDC) ay maaaring nauugnay sa mas mataas na panganib para sa kanser
Mga pagkakaiba sa mga pagkalantad na hindi nauugnay sa paglipad sa labas ng lugar ng trabaho (hal., eroplano) (CDC)
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Sa kasalukuyan, limitado ang katibayan sa laboratoryo na nagpapaliwanag ng ugnayan sa pagitan ng paglipad sa eroplano at mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (carcinogenic sa mga tao: ionizing radiation)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Inirerekomenda ng CDC na subukang bawasan ng mga miyembro ng crew ang kanilang oras sa nakapahahabang flight, mga flight sa matataas na latitude, o mga flight na dumadaan sa North Pole at South Pole. Magreresulta ang mga flight na ito sa pinakamatataas na antas ng pagkalantad sa radiation (CDC).
Para mabawasan ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa balat, protektahan ang iyong balat mula sa araw. Maraming paraan para mabawasan ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa balat mula sa pagkalantad sa UV radiation: huwag manatili sa ilalim ng araw/manatili sa lilim (lalo na sa gitna ng araw), magsuot ng damit na tumatakip sa iyong mga braso at binti, magsuot ng sumbrerong may malapad na brim, at magsuot ng salaming humaharang sa parehong UVA at UVB ray. Panghuli, bantayan kung magkakaroon ka ng mga hindi normal na nunal at kausapin ang iyong doktor kung magkaroon ka nito, dahil maaaring maging melanoma ang mga nunal na ito (CDC).
Ang dapat tandaan
Mas mataas ang panganib ng mga crew ng eroplano na magkaroon ng parehong kanser sa balat at sa suso. Inirerekomenda ng CDC na subukang bawasan ng mga crew ng eroplano ang kanilang mga antas ng pagkalantad sa radiation.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit): Cosmic radiation
CDC: Aircrew and cancer (Crew ng eroplano at kanser)
CDC: Sun safety (Kaligtasan sa araw)
CDC: Breast cancer (Kanser sa suso)
CDC: Skin cancer (Kanser sa balat)
NCI: Lymphoma
Petsa
Inilathala: Hulyo 6, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022