Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Nagdudulot ng kanser ang pag-upo nang masyadong malapit sa TV

Ang maaaring narinig mo

Naglathala ang Daily Mirror ng kuwento noong 2003 na nagsasabing pinapataas ng pag-upo nang masyadong malapit sa TV para sa matagal na panahon ang panganib na magkaroon ng kanser.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Naglalabas ng mabababang antas ng radiation ang mga mas lumang TV, pero may wastong pag-shield ang mga makabagong TV, kaya protektado ang mga tao mula sa mga posibleng pagkalantad sa radiation. Ang telebisyon mismo ay hindi nagpapataas sa panganib na magkaroon ng kanser ngunit simbolo ito ng hindi aktibong pamumuhay.

Ang hindi aktibong pamumuhay ay paglalaan ng maraming oras nang nakaupo o nakahiga, nanonood ka man ng TV, nagbabasa ng libro, nakaupo sa bus, o gumagamit ng computer. Hiwalay ang pag-uugaling ito mula sa oras na inilalaan habang pisikal na aktibo at mga calorie na nagagamit sa oras ng ehersisyo, ngunit ang parehong hindi aktibong pamumuhay at kaunting pisikal na aktibidad ay makakapagdulot ng ibang sakit.

Epidemiological na Katibayan

Kahit na nagdudulot ng kanser ang ilang uri ng radiation, walang epidemiological na katibayan na magkakaroon ka ng malaking pagkalantad sa radiation kapag nakaupo ka nang malapit sa TV. Sa kabilang panig, napakakaunti ng ginagamit na enerhiya ng katawan habang nakaupo tayo at nauugnay ang paggamit ng kaunting calorie sa mas mataas na panganib na maging obese (at magkaroon ng mas maraming taba sa katawan), sakit sa puso, at kanser (Cancer Research UK (Pananaliksik sa Kanser UK)). Sinabi ng ilang nalathalang epidemiological na pag-aaral na pinapataas ng hindi aktibong pamumuhay ang panganib na magkaroon ng kanser.

Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan

Inaral ng mga modelo sa laboratoryo ang ugnayan sa pagitan ng ehersisyo at pagbuo ng tumor. Ipinakita ng ilang pag-aaral na malaki ang ibinabawas ng pag-eehersisyo sa laki ng mga tumor ng mga daga.

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado.

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Ang pagiging mas pisikal na aktibo at pagkakaroon ng aktibong pamumuhay ay makakatulong sa iyong magkaroon ng mas malusog na pamumuhay at binabawasan nito ang panganib na maging obese, at ang panganib na magkaroon ng sakit sa puso at kanser (Cancer Research UK). Magkaroon ng hindi bababa sa 150-300 minuto ng katamtamang pisikal na aktibidad kada linggo (maaari itong paglalakad, pagtakbo, paglangoy, pagsagawa ng mga gawaing-bahay, o kahit pamimili). Makakatulong din ang pagkain ng masustansiya at balanseng diyeta na mabawasan ang panganib ng pagdagdag ng timbang.

Ang dapat tandaan

Hindi nagdudulot ng kanser ang panonood ng TV at ang layo sa TV. Gayupaman, ang hindi aktibong pamumuhay (halimbawa, pagbababad sa panonood ng TV) ay nauugnay sa kaunting pisikal na aktibidad at nagdudulot ng mas mataas na panganib na maging obese, magkaroon ng sakit sa puso, at kanser.

Cancer Research UK: TV and cancer (TV at kanser)
Science Daily: Prolonged TV viewing (Matagal na panonood ng TV)
NY Times: TV and eye strain (TV at pagkapagod ng mata)
BBC: Screen time and health risks (Oras sa harap ng screen at mga panganib sa kalusugan)

Petsa

Hulyo 2, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022