Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Mas ligtas ang paninigarilyo ng marijuana kaysa mga sigarilyo at hindi ito nagdudulot ng kanser

Ang maaaring narinig mo

Nagdudulot ng kanser ang paggamit ng marijuana.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Marijuana ang pangalan ng mga tuyong bud at dahon ng halamang cannabis; tinatawag ito nang maraming pangalan, kasama ang pot, grass, cannabis, weed, at hemp. Maraming iba’t ibang strain na may iba’t ibang antas ng aktibong compound ang mga halamang marijuana, at maaaring magbago ang mga epekto batay sa kung gaano kalalim at katagal hihinga ang gumagamit. Bilang resulta, malaki ang pagkakaiba sa karanasan ng bawat gumagamit.

Ang Delta-9-tetrahydrocannabinol (THC) ang nagdudulot ng “high” na inuulat ng mga gumagamit ng marijuana at nababawasan din nito ang pananakit, pagduduwal, at pamamaga (ACS). Magagamit ang Cannabidiol (CBD) para magamot ang mga seizure, bawasan ang pagkabalisa at paranoia, at nalalabanan nito ang high na dulot ng THC (ACS).

Maaaring magdulot ng ilang pinsala ang marijuana sa mga gumagamit nito. Ang mga pinakakaraniwang epekto ng marijuana ay lubos na kasiyahan, binawasang kontrol sa paggalaw, pagkahilo, at paminsan-minsan ay pagkabalisa, paranoia, kagustuhang magpakamatay, o psychosis. (DFCI). Naghahatid ang paninigarilyo ng marijuana ng THC at ibang cannabinoid sa katawan, pero naghahatid din ito ng mga nakakapinsalang sangkap sa mga malapit dito (ACS). Nakakadulot ang paninigarilyo ng marijuana ng pangmatagalang bronchitis at mga problema sa pag-aaral, pag-alala, at pagbibigay-pansin.

Posibleng nakakalulong ang parehong cannabis at mga cannabinoid. Maaaring kabilang sa mga sintomas ng pagitigil ng paggamit ng cannabis ang mabilis na pagiging iritable o galit, kahirapan sa pagtulog, pagiging hindi mapakali, mga hot flash, pagduduwal, o pamumulikat (NCI).

Inililista ng US Drug Enforcement Administration (DEA o Administrasyon sa Pagpapatupad ng Regulasyon sa Gamot) ang marijuana bilang Schedule I na kontroladong sangkap. Kahit na legal ang pagbili at paggamit nito sa ibang estado, hindi ito legal na mairereseta o mabebenta, at hindi ka pwedeng magkaroon nito, sa ilalim ng pederal na batas. Gayunpaman, legal ang paggamit ng marijuana para gamutin ang ilang medikal na kondisyon sa ilalim ng mga batas ng estado sa maraming estado.

Epidemiological na Katibayan

Napakarami pang hindi natin alam tungkol sa paggamit ng marijuana dahil kaunti pa lang ang pag-aaral sa mga posibleng epekto nito sa kanser at itinuturing pa rin itong hindi legal na sangkap ng US DEA. Ang pagturing sa marijuana bilang hindi legal na sangkap ay naglilimita sa dami ng pananaliksik at uri ng pananaliksik na magagawa ng mga siyentipiko. Kailangan ng mas maraming pag-aaral na pananaliksik sa tao para makita ang mga epekto ng marijuana sa paglipas ng panahon.

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Iniulat ng mga pag-aaral sa hayop ang epekto ng marijuana. Natuklasan ng isang pag-aaral na pinapaliit ng marijuana ang laki ng mga tumor sa prostate, na nagbago batay sa dosis at tagal ng paggamot. Gayunpaman, kailangan ng higit pang pag-aaral para kumpirmahin ang resultang ito (Singh et al.).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Inirerekomenda ng American Cancer Society (Kapisanan sa Kanser ng Amerika) na ang anumang desisyon tungkol sa pamamahala sa pananakit at sintomas gamit ang marijuana ay dapat gawin ng pasyente at kanyang doktor, nang binabalanse ang pakinabang at pinsala sa pasyente, ang mga kagustuhan at pinaniniwalaan ng pasyente, at anumang naaangkop na batas at regulasyon. Maaaring nakakaapekto rin sa panganib na magka-kanser ang paraan ng paggamit ng marijuana, dahil gumagawa ang paninigarilyo (pagsunog) ng marijuana ng mga sangkap na potensyal na nauugnay sa kanser.

Ang dapat tandaan

Walang sapat na katibayan para sabihing nauugnay sa kanser ang paggamit ng marijuana, pero maaaring magharap ng ibang pinsala ang paggamit ng marijuana sa mga gumagamit nito.

American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Marijuana and cancer (Marijuana at kanser)
Dana-Farber Cancer Institute (DFCI): Marijuana and cancer (Marijuana at kanser)
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Cannabis

Petsa

Inilathala: Hunyo 25, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022