Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

UV radiation

Ang maaaring narinig mo

Walang ligtas o malusog na tan, at hindi makakapigil sa sunburn ang pagkuha ng base tan (AAD). Pinapataas ng pagpapa-tan ang iyong panganib na magkaroon ng basal cell carcinoma, squamous cell carcinoma, at melanoma. Ang melanoma ang pinakanakamamatay na anyo ng kanser sa balat at nauugnay ito sa mga sunburn, lalo na kapag naganap ang sunburn habang bata pa.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Ang anumang tan ay senyas ng pinsala sa balat, ayon kay Sharon Miller, isang siyentipiko sa Food and Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot) at eksperto sa UV radiation (FDA). Ang pag-tan ay dulot ng pagkalantad sa ultraviolet (UV) radiation at nagdudulot ito ng pinsala sa pinakalabas na layer ng selula ng balat.

May dalawang uri ng UV radiation na nakakapasok sa balat: UV-B (na pumapasok sa mga pinakataas na layer ng balat at responsable ito para sa karamihan ng mga sunburn), at UV-A (na pumapasok sa mas malalalim na layer ng balat at nauugnay sa mga pamamantal). Nakakasira sa balat at humahantong sa kanser sa balat ang parehong UV-B at UV-A ray.

Dagdag pa sa malubhang panganib na magkaroon ng kanser sa balat, puwedeng magdulot ang pag-tan ng maagang pagtanda. Dahil sa pag-tan, nawawalan ng elasticity at maagang nagkakaroon ng kulubot sa balat. Ang pag-tan (dahil sa UV-B radiation) ay maaaring magdulot ng immune supression (pagpigil sa immune system), na nagpapahina sa katawan laban sa mga sakit. Maaari ding magdulot ang pagkalantad sa UV radiation ng hindi magagamot na pinsala sa mga mata.

Epidemiological na Katibayan

Maraming epidemiological na pag-aaral ang nagpakita na ang paggamit ng mga tanning bed ay nagpapataas sa panganib na magkaroon ng kanser sa balat (Zhang et al.).

Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan

Sa pangkalahatan ay sumasang-ayon ang mga pag-aaral sa hayop at ibang pag-aaral sa laboratoryo sa epidemiological na katibayan na nauugnay ang pagkalantad sa UV sa kanser sa balat (Spencer & Amonette).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (carcinogenic sa mga tao)

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Ang ganap na pag-iwas sa pag-tan ang pinakamainam na paraan para maprotektahan laban sa pinsala sa balat. Kung gusto mo pa rin ng hitsura ng tan, maraming opsyon sa lotion na nagbibigay ng hitsura ng tan nang hindi kailangang malantad sa araw. Sa anumang kaso, kung maglalaan ka ng oras sa ilalim ng araw, gumamit ng proteksyon laban sa araw. At hindi kailanman masyadong huli para magsimulang protektahan ang balat mo. Kapag tumigil ka sa pag-tan, magsisimula ang katawan mong ayusin ang ilan sa pinsalang dulot ng mga UV ray (AAD).

Kapag pumipili ng sunscreen, tiyaking makikita sa label ang broad spectrum, SPF 30 o higit pa, at water resistant. Ibig sabihin ng broad spectrum ay mapoprotektahan ng sunscreen ang balat mo mula sa parehong UV-A at UV-B ray. Ibig sabihin ng water resistant ay mananatili ang sunscreen sa basa o pawis na balat nang 40 hanggang 80 minuto (AAD).

Ang sunscreen na mabuti para sa kapaligiran ay nagdudulot ng mas kaunting pinsala sa mga naninirahan sa dagat at maaaring mainam ito para sa ilang tao.

Ang dapat tandaan

Pinapataas ng UV radiation mula sa araw ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa balat. Iwasan ang pag-tan at gumamit ng broad spectrum sunscreen na SPF 30 o higit pa kapag nasa labas ka.

American Academy of Dermatology (AAD) Association: Dangers of UV radiation (Mga panganib ng UV radiation)
Anne Arundel Dermatology: Stastics on indoor tanning (Mga estatistika sa indoor na pag-tan)
Food & Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): Risks of ultraviolet rays (Mga panganib ng mga ultraviolet ray)
AAD: How to select a sunscreen (Paano pumili ng sunscreen) at EcoWatch

Petsa

Inilathala: Hunyo 30, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022