Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser sa baga ang bacteria sa loob ng mga mask at kakulangan ng oxygen dahil sa mga mask
Ang maaaring narinig mo
Pinapataas ng pagsuot ng mask ang panganib na magkaroon ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Napakaraming katibayang nagpapakita na ang matagalang pagsuot ng mask ay walang epekto sa panganib na magkaroon ng kanser. Pinabulaanan ng maraming ibang pag-aaral ang unang pag-aaral na gumawa ng maling paratang na ito tungkol sa mga mask (Moffitt Cancer Center). Ipinapahayag din ng American Lung Association (Asosasyon sa Baga ng Amerika) na walang katotohanan sa pahayag na iyon (ALA).
Epidemiological na Katibayan
Tumugon na rin ang Centers for Disease Control and Prevention (Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit). Sinabi nilang walang karagdagang panganib sa kalusugan ang pagsuot ng mask, at mahalaga ito para protektahan ang mga indibidwal mula sa COVID-19. Ang pagsuot ng pantakip sa mukha ay nakakatulong na protektahan ang iba kapag umubo, bumahing, o magsalita o mag-spray ka ng mga droplet na may virus sa hangin (ALA). Maraming tao ang hindi alam na nahawaan sila at hindi sinasadyang nakakahawa sila ng COVID-19 sa iba. Bilang resulta, mahalaga ang pagsuot ng mask para bawasan ang pagkalat ng sakit. Walang katibayan mula sa mga epidemiological na pag-aaral na nagsasabing nauugnay sa kanser ang pagsuot ng mask
Katibayan sa Laboratoryo
Walang katibayan mula sa mga pag-aaral sa laboratoryo na nagkokonekta sa pagsuot ng mask sa pagbuo ng kanser.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi Klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Kapag pumipili ng mask, mahalaga na hindi mahirap huminga dahil sa kapal ng mask. Malamang na hindi kinakailangan ang mga filter at maaaring mas hindi komportable ang mga mask dahil dito. Ang pinakamainam ay ang N-95 mask, na 95% ang bisa sa pagprotekta sa sumusuot nito mula sa paghinga ng mga partikulong virus (ALA). Mas hindi mabisa ang mga surgical mask, at lalong mas hindi mabisa ang mga tela na mask. Gayunpaman, mahalaga ang kahit 50% pagbawas sa pagkalat ng COVID-19 (ALA).
Kapag nagsuot ka ng mask, tiyaking bago at sterile (malinis) ito. Kung nahihirapan kang huminga dahil sa pagsuot ng mask, subukang lumabas at lumayo sa mga tao para makahinga muli (CDC).
Ang dapat tandaan
Hindi nagdudulot ng kanser ang pagsuot ng mask at napakahalaga ng paggamit ng mask para maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit (tulad ng COVID-19).
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit): Masks
Moffitt Cancer Center: Mask wearing (Pagsuot ng mask)
American Lung Association (ALA): Masks
Petsa
Inilathala: Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022