Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang mga tanning bed
Ang maaaring narinig mo
Ayon sa isang ulat noong 2012 na ginawa ng Committee on Energy and Commerce (Komite sa Enerhiya at Komersiyo) ng U.S. House of Representatives, 90% ng mga tauhan sa tanning salon, noong nakipag-ugnayan sa kanila ang mga imbestigador ng Committee, ang nagbigay ng maling impormasyon tungkol sa mga seryosong panganib ng indoor na pag-tan at gumawa sila ng mga maling pahayag tungkol sa mga pakinabang sa kalusugan na ibinibigay ng indoor na pag-tan (AAD).
Ang sinasabi ng agham sa atin
Mas maraming kaso ng kanser sa balat dahil sa indoor na pag-tan kaysa sa kaso ng kanser sa baga dahil sa paninigarilyo sa buong mundo (SCF). Inilipat ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser) ang mga tanning bed sa pinakamataas na kategorya para sa panganib na magkaroon ng kanser: carcinogenic (nagdudulot ng kanser) sa mga tao.FDA).
Mangyari man ito sa labas o sa loob, ang pag-tan ay nakikitang senyas ng pinsala sa DNA ng balat mo. Ang pag-tan ay dulot ng pagkalantad sa ultraviolet (UV) radiation at nagdudulot ito ng pinsala sa pinakalabas na layer ng selula ng balat. Walang “ligtas” o “malusog na tan” (AAD). Dumarami ang katibayan na nagpapahiwatig na maaaring nakakalulong ang pagpapa-tan. Sa mga 18 hanggang 30 taong gulang na lahing puting babae na gumagamit ng indoor na pag-tan, 20% ang nagpapakita ng mga senyas ng pagkalulong (AAD).
Epidemiological na Katibayan
Ayon sa Skin Cancer Foundation (Pundasyon para sa Kanser sa Balat), may 75% pinataas na panganib na magkaroon ng melanoma na nagbabanta sa buhay mula lamang sa isang sesyon ng indoor na pag-tan bago mag-35 taong gulang (SCF). Pinapataas din ng pagpapa-tan ang iyong panganib na magkaroon ng basal cell carcinoma at squamous cell carcinoma.
Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan
Sa pangkalahatan ay sinusuportahan ng mga resulta ng mga pag-aaral sa hayop ang naobserbahan sa mga epidemiological na pag-aaral na nauugnay ang pagkalantad sa UV sa panganib na magkaroon ng kanser sa balat (Gober et al.).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (carcinogenic sa mga tao: mga tanning bed na naglalabas ng UV)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Ang ganap na pag-iwas sa pag-tan ang pinakamainam na paraan para maprotektahan laban sa pinsala sa balat. Kung gusto mo pa rin ng hitsura ng tan, maraming lotion na nagbibigay ng hitsura ng tan nang walang araw.
Kung mananatili ka sa ilalim ng araw, gumamit ng proteksyon laban sa araw; hindi kailanman masyadong huli para magsimulang protektahan ang balat mo. Kapag tumigil ka sa pag-tan, magsisimula ang katawan mong ayusin ang ilan sa pinsalang dulot ng mga UV ray (AAD).
Kapag pumipili ng sunscreen, tiyaking makikita sa label ang broad spectrum, SPF 30 o higit pa, at water resistant. Ibig sabihin ng broad spectrum ay mapoprotektahan ng sunscreen ang balat mo mula sa parehong UV-A at UV-B rays, at ibig sabihin ng water resistant ay mananatili ang sunscreen sa basa o pawis na balat nang 40 hanggang 80 minuto (AAD).
Ang dapat tandaan
Pinapataas ng indoor na pag-tan (pati ng outdoor na pag-tan) ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa balat, kasama ang melanoma, basal cell carcinoma, at squamous cell carcinoma, at dapat iwasan ito.
Mga sanggunian at link para sa higit pang impormasyon
Skin Cancer Foundation (SCF o Pundasyon para sa Kanser sa Balat): Indoor tanning (Indoor na pag-tan)
American Academy of Dermatology (AAD) Association: Indoor tanning (Indoor na pag-tan)
Anne Arundel Dermatology: Tanning statistics (Mga estatistika sa pag-tan)
Mayo Clinic: Tanning bed Q&A
Food & Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): Risks of ultraviolet rays (Mga panganib ng mga ultraviolet ray)
American Academy of Dermatology (AAD): How to select a sunscreen (Paano pumili ng sunscreen)
Petsa
Inilathala: Hunyo 30, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022