Bakit namin ginawa ang Cancer FactFinder?
Halos lahat ng tao ay nagkarooon ng anumang uri ng personal na karanasan sa kanser, at marami sa atin ang nag-aalala sa kung anong nagdudulot nito. Kaya hindi nakakagulat na isa sa mga pinakasinasaliksik na paksa online ang kanser.
Kadalasan tayong pumupunta sa social media, paghahanap sa internet, at mga kaibigan o kapamilya para sa impormasyon tungkol sa kanser. Makakapagbigay ang lahat ng ito sa atin ng napakaraming impormasyon para makatulong na gumawa ng mga desisyon tungkol sa pamumuhay, nutrisyon, at kalusugan at para makatulong na maiwasan ang diagnosis ng kanser. Ngunit kailangan nito ng tumpak na impormasyon.
Kadalasang mahirap malaman kung aling impormasyon ang mapagkakatiwalaan—na nangangahulugang kung anong impormasyon ang puwedeng paniwalaan at hindi tungkol sa kung ano ang nagdudulot ng kanser at hindi. Ginawa namin ang site na ito para makapagbigay sa mga tao ng tumpak na impormasyong madaling ma-access tungkol sa kanser. Sa paraang ito, makakagawa sila ng mga may kaalamang desisyon upang iwasan ang ilang pagkalantad o gumawa ng mga positibong hakbang para i-maximize
ang kanilang kalusugan.
Paano kami naglilikom at nagpoproseso ng impormasyon para sa FactFinder?
Nagsusuri kami ng mga buod ng katibayan sa paraang katulad ng sa ibang malaking organisasyon at ibinabahagi namin ang aming alam tungkol sa kung gaano kalakas ang katibayan at kung nauugnay ang isang bagay sa kanser o hindi. Para gawin ito, ginagamit namin ang sumusunod na sistematiko at mahigpit na proseso para matukoy ang mga pahayag tungkol sa mga sanhi ng kanser sa mga tao:
Naghahanap kami ng mga pahayag tungkol sa kanser mula sa internet, social media, at ibang sanggunian.
Kapag natukoy na ito, bineperipika o pinapabulaanan ng aming editorial staff ang mga pahayag na ito gamit ang mga pinamakabuting available na pag-aaral sa mga tao at mga pag-aaral sa laboratoryo/pansuportang pag-aaral. Kami ay pumupunta sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian ng siyentipikong data, kabilang ang mga medikal at siyentipikong journal, kumukuha ng mga dalubhasang opinyon mula sa mga nangungunang siyentipiko, at kumukuha ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang organisasyon tulad ng American Cancer Society at National Institutes of Health.
Para mapagpasiyahan kung malamang tama o mali ang isang pahayag, nililimitahan namin ang aming pagsusuri sa katibayang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa lakas ng ugnayan o pagiging sanhi. Ibig sabihin nitong kasama sa mga pamantayang ginagamit namin para gawin ang aming mga konklusyon ang impormasyon tungkol sa mga pagkalantad at salik na kilalang nagdudulot ng kanser. Gayunpaman, hindi palaging naitatatag ang pagiging sanhi. Isinasaalang-alang din namin ang katibayan para sa mga mapagkakatiwalaang ugnayan sa kanser sa mga tao batay sa epidemiological na katibayan. Sinusuri din namin ang mga natuklasan mula sa pag-aaral sa toxicology at ibang pansuportang pag-aaral, dagdag pa sa kasalukuyang epidemiological na katibayan.
Pangunahing binabatay din namin ang aming mga konklusyon tungkol sa mga sanhi ng kanser sa mga epidemiological na pag-aaral na ginawa sa mga tao. Makakapagbigay ang mga pang-eksperimentong pag-aaral, kasama ang mga imbestigasyon sa hayop at sa laboratoryo, ng sumusuportang impormasyon. Ngunit sa huli, ginagamit ang epideiological na katibayan sa tao para matukoy ang panganib na magkaroon ng kanser.
Tandaan na hindi lahat ng ugnayan sa kanser ang mahahanap ng mga epidemiological na pag-aaral, kaya may mga hindi pa alam pagdating sa mga pahayag tungkol sa mga sanhi ng kanser, lalo na kapag may kasangkot na posible o kilalang naglalaman ng mga sangkap na nagdudulot ng kanser (mga carcinogen). Limitado rin ang mga pag-aaral sa laboratoryo at pansuportang katibayan dahil hindi tao ang mga subject ng pag-aaral. Kahit na maaaring nagpapakita ng epekto sa mga hayop ang mga konklusyong ito, hindi ito palaging maaangkop sa mga tao dahil iba ang mga subject. Itinatala ang mga limitasyong ito sa mga indibidiwal na paglalarawan ng pahayag.
Pagkatapos ay binubuod namin ang impormasyong mayroon kami at itinatalakay namin ito sa aming editorial team.
Pagkatapos mag-draft ng buod ng impormasyon, ine-edit at pina-fact check (sinusuri para sa katotohanan) ng mga editor na may espesyalisadong pagkadalubhasa ang nakasulat na buod.
Ibinabahagi namin ang buod na ito sa mga miyembro ng komunidad, kabilang ang mga nakaligtas sa at advocate para sa kanser, para tiyaking malinaw ang mensahe at nakakatugon ito sa mga puntong maaaring nakakabahala sa mga nagbabasa—hindi lang sa mga dalubhasa sa field.
Kapag ganap na nasuri na namin ito, ibinabahagi namin ang impormasyong ito sa pamamagitan ng site na FactFinder na ito para maging available ito sa pangkalahatang publiko.
Tandaan: Malaman na ang ibang pagkalantad o salik ng panganib na maaaring hindi nagdudulot ng kanser ay posibleng may ibang epekto sa kalusugan na nakakapinsala o kapaki-pakinabang. Hindi kami nagbibigay ng impormasyon sa site na ito tungkol sa ibang epekto, maliban sa kanser, na maaaring nauugnay sa kalusugan.
Anong impormasyon ang hindi kasama sa aming mga buod?
Makakapagbigay ang mga pang-eksperimentong pag-aaral, kasama ang mga imbestigasyon sa hayop at sa laboratoryo, ng mahalagang impormasyon. Hindi namin isinasaalang-alang ang katibayan mula sa mga pag-aaral sa hayop at sa laboratoryo dito, kahit na regular na ginagamit ng mga regulator ang ganitong uri ng pang-eksperimentong katibayan para suriin ang mga kemikal para sa kaligtasan sa U.S. at sa European Union.
Dahil hindi kami nagsama ng mga pag-aaral sa hayop sa aming ulat, maaaring may nalampasan kaming ilang mahalagang impormasyon tungkol sa mga salik na nagdudulot ng kanser. Dahil hindi etikal para ilantad ang mga tao sa mapanganib na kemikal sa pag-aaral, ang mga pag-aaral sa mga hayop at sa laboratoryo lang ang paraan para malaman kung nagdudulot ng kanser ang ilang pagkalantad. Maaaring kailanganin ng pagtukoy sa mga sanhi ng kanser ang pagsasama ng impormasyon mula sa maraming ibang sanggunian, kasama ang mga obserbasyon kapag nalalantad ang mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa trabaho, o sa mga aksidente, at kapag isinaalang-alang ang katibayan mula sa mga eksperimento sa mga hayop o selula. Karaniwang lumalabas lang ang katibayan mula sa mga pag-aaral ng kanser sa mga tao pagkatapos malantad ang mga tao nang ilang dekada.