Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Nakakadulot ng kanser ang mga bluetooth o walang wire na headphones

Ang maaaring narinig mo

Kasabay ng pagpapakilala at malawakang paggamit ng teknolohiyang Bluetooth, maraming tao ang nag-alala sa mga pangmatagalang epekto ng mga ito sa panganib na magkaroon ng kanser.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Dahil bago ang teknolohiyang ito, hindi pa nagkakaroon ang mga mananaliksik ng sapat na oras para mapag-aralan ang posibleng kaugnayan sa pagitan ng kanser at Bluetooth headphones. Gayunpaman, dahil 1/10 lang ang radiation sa Bluetooth headphones kumpara sa cell phone, malamang na kaunti lang ang dapat alalahanin tungkol dito. Naglalabas ng mga RF (Radiofrequency) wave ang mga device na ito, na isang anyo ng non-ionizing radiation. Ibig sabihin nitong wala silang sapat na enerhiya para direktang mapinsala ang DNA sa loob ng mga selula at magdulot ng kanser (ACS, NCI).

Epidemiological na Katibayan

Maraming pag-aaral ang tumingin na sa pagbuo ng tumor at paggamit ng cell phone; gayunpaman, hindi tiyak ang mga resulta (NCI). Itinuturing ng karamihan ng mga pandaigdigang organisasyon ang paggamit ng telepono bilang posibleng panganib sa kanser, sa isang panig. Para sa iba, walang sapat na katibayan para magkomento. Naglalabas ang mga cell phone ng mga RF (Radiofrequency) wave, na isang anyo ng non-ionizing radiation.

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Sa kasalukuyan, walang katibayan sa laboratoryo na nagmumungkahing nauugnay sa kanser ang Bluetooth headphones.

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 3 (Hindi maklasipika pagdating sa pagiging carcinogenic nito sa mga tao: mga radio-frequency electromagnetic field).

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Dahil kaunti pa lamang ang nailathalang pananaliksik tungkol sa paksang ito, hindi sigurado ang mga siyentipiko tungkol sa kung ano ang pinakamainam na paraan para mabawasan ang panganib sa iyo, maliban sa paglimita sa oras na inilalaan mo nang gamit ang headphones na walang wire (NCI).

Ang dapat tandaan

Malamang ay hindi humahantong ang mga Bluetooth o walang wire na headphones sa pagtaas ng panganib na magkaroon ng kanser; gayunpaman, mas magiging ligtas ka kapag nilimitahan mo ang oras ng paggamit ng mga ito, o kapag papanatilihin mong malayo ang cell phone sa ulo mo, hanggang sa makagawa ng higit pang pananaliksik.

National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Electromagnetic Fields and Cancer (Mga Electromagnetic Field at Kanser)
Dana-Farber Cancer Institute (Institusyon sa Kanser ng Dana-Faber): Do Wireless Headphones Cause Cancer? (Nagdudulot ba ng Kanser ang Walang Wire na Headphones?)

Petsa

Inilathala: Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022