Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser sa suso ang mga antiperspirant
Ang maaaring narinig mo
Ang mga antiperspirant at deodorant ay may mga sangkap na nagdudulot ng kanser na pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng balat, lalo na pagkatapos mag-ahit.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Kinaklasipika ang mga antiperspirant bilang gamot na tumutulong na bawasan ang dami ng inilalabas na pawis. Gumagawa ang eccrine glad ng pawis at nahaharangan ng mga antiperspirant ang paggawa ng pawis gamit ang produktong aluminum ang pangunahing sangkap (WebMD). Ginagamit ang mga deodorant para maiwasan o matago ang amoy ng katawan. Pinag-aaralan ng mga siyentipiko kung ang pabango, mga preservative, at ibang sangkap sa mga antiperspirant at deodorant ay maaaring magpataas ng panganib na magkaroon ng kanser sa suso. Nananaliksik pa tungkol sa mga tanong kung may pagkakaiba sa panganib para sa mga babaeng inaahit ang kanilang kili-kili o gumagamit ng mga produktong antiperspirant o deodorant na may aluminum.
Ipinagmamalaki ng mga natural na deodorant na mas mabuti ang mga ito para sa mga tao kaysa mga tradisyonal na deodorant. Gayunpaman, walang katibayan na mas masama para sa iyong kalusugan ang mga regular na deodorant kumpara sa mga natural na deodorant (NY Times). Dagdag pa rito, hindi mas mabuti para sa iyong microbiome ang mga sangkap sa mga natural na deodorant at maaaring mas hindi mabisa ang mga ito kaysa mga tradisyonal na deodorant (NY Times).
Epidemiological na Katibayan
Ilang teorya ang namungkahi na tungkol sa kung paano maaaring magdulot ng kanser sa suso ang mga antiperspirant at deodorant. Ang pinakakamakailang pagsusuri ng mga antiperspirant o deodorant at kanser sa suso ay hindi nagpakita ng katibayan ng kaugnayan (Osto 2022). Gayunpaman, iba-iba ang mga iniulat na resulta ng mga pag-aaral, kaya kailangan ng higit pang pag-aaral para kumpirmahin ang kasalukuyang data.
Sinabi ng American Cancer Society (Kapisanan sa Kanser ng Amerika) na kahit na ipinakita ng isang pag-aaral noong 2004 na may mga paraben sa tisyu ng kanser sa suso, bumubuo ang mga ito ng mahinang katangian na parang estrogen. Higit na mas malakas ang estrogen na natural na binubuo ng katawan (o sa pamamagitan ng pagpapalit ng hormone), at sa gayon ay mas malaki ang papel ng mga ito sa panganib na magkaroon ng kanser sa suso.
Binigyang-pansin ang paksang ito noong 2021, noong iniulat ng isang pag-aaral na may nakitang mga paraben, isang preservative na ginagamit sa mga deodorant na gumagaya sa estrogen, sa mga tumor sa suso. Hindi sigurado ang mga siyentipiko tungkol sa ibig sabihin ng pag-aaral na ito tungkol sa pagbuo ng kanser sa suso (NCI).
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Nalaman ng isang pag-aaral sa hayop na sumuri sa uptake ng aluminum sa deodorant ang ilang katibayan ng pagkasira ng chromosome (Tenan et al.). Gayunpaman, limitado pa ang kasalukuyang pananaliksik. Kailangan ng karagdagang pananaliksik para higit pang imbestigahan ang kaugnayan sa pagitan ng mga antiperspirant at panganib na magkaroon ng kanser.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi Klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Maraming kilalang salik ng panganib na nauugnay sa kanser sa suso. Malinaw na nauugnay ang pag-inom ng alak sa mas pinataas na panganib na magkaroon ng kanser sa suso, at tumataas ang panganib kapag umiinom ng mas maraming alak. Mababa (7-10%) ang pagtaas ng panganib para sa mga babaeng umiinom ng isang inuming may alak sa isang araw kumpara sa mga hindi umiinom. Tumataas ang panganib sa 20% para sa mga babaeng umiinom ng 2-3 inumin sa isang araw (ACS).
Isa pang kilalang salik ng panganib ang pagkakaroon ng labis na timbang o pagiging obese pagkatapos ng menopause (pagtigil ng pagreregla). Karamihan ng estrogen ng babae ay mula sa tisyu ng taba, lalo na pagkatapos ng menopause ng babae. Pinapataas ng labis na taba ang mga antas ng estrogen at ang panganib na magkaroon ng kanser sa suso. Ang mga babaeng nakaranas ng menopause na may labis na timbang o obese ay madalas na may mas mataas na antas ng insulin din, na nauugnay sa ilang kanser. Maaaring pababain ang mga salik ng panganib na ito sa pamamagitan ng pisikal na aktibidad at masustansiyang diyeta, na nagpapababa sa panganib na magkaroon ng kanser sa suso (ACS).
Ang dapat tandaan
Ang mga deodorant at antiperspirant ay minsang may mga sangkap na nauugnay sa kanser. Ngunit nagpakita ng mga nagsasalungat na resulta ang ilang pag-aaral hinggil sa mga antiperspirant, kaya kailangan ng higit pang pananaliksik.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
NY Times: Natural deodorants and cancer (NY Times: Mga natural na deodorant at kanser)
Nature: Breast cancer and deodorant (Kanser sa suso at deodorant)
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Lifestyle-related breast cancer risk factors (Mga salik ng panganib ng kanser sa suso na nauugnay sa paraan ng pamumuhay)
ACS: Breast cancer risk factors you cannot change (Mga salik ng panganib ng kanser sa suso na hindi mo mababago)
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Antiperspirants and breast cancer (Mga antiperspirant at kanser sa suso)
Willhite et al., Systematic Review of Exposure to Aluminum (Sistematikong Pagsusuri sa Pagkalantad sa Aluminum)
Pagkakaiba sa Pagitan ng Deodorant at Mga Antiperspirant
Pumapasok ang Aluminum sa Mga Selula ng Mamalya at Dine-destabilize ang Istraktura at Dami ng Chromosome
Petsa
Inilathala: Hunyo 27, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022