Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Nagdudulot ng kanser ang bug spray

Ang maaaring narinig mo

Nakakapagdulot ng kanser ang paggamit ng bug spray na may DEET.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Karamihan ng alalahanin tungkol sa mga repellent ng insekto ay sa isa sa mga pinakakaraniwang sangkap nito: N,N-diethyl-meta-toluamide, na karaniwang tinatawag na DEET. Ang DEET ang nagbibigay sa bug spray ng malakas na kemikal na amoy nito, na ginagamit para lumayo ang mga kumakagat na insekto, tulad ng mga lamok, tick, at pulgas.

Epidemiological na Katibayan

Natuklasan ng Environmental Protection Agency (EPA o Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran) na hindi carcinogen (nagdudulot ng kanser) sa tao ang DEET. Maaaring magkaroon ng pinsala sa central nervous system kapag mataas ang antas ng pagkalantad, tulad ng kapag nagkaroon ng pagkatapon ng kemikal. Hindi malinaw ang karagdagang katibayan tungkol sa panganib ng kanser.

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Iniulat ng ilang pag-aaral sa hayop ang pagtaas ng panganib na magkaroon ng kanser kapag nalantad sa DEET (NPIC). Gayunpaman,ilang mas malaking pag-aaral na may matagal na follow up ang ginawa sa mga hayop na hindi nagpakita ng pagdami ng tumor kapag nalantad sa bug spray na may DEET (ATSDR).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado.

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Palaging gamitin ang mga repellent ng insekto ayon sa mga tagubilin nito. Ilapat lang ang mga repellent ng insekto sa nakalabas na balat at/o damit, at huwag ilapat malapit sa mata o bibig. Kapag gumagamit ng mga spray, huwag direktang i-spray ito sa mukha—i-spray muna ito sa mga kamay, at pagkatapos ay ilapat sa mukha.

Inaprubahan ng EPA ang paggamit ng mga repellent sa insekto na walang DEET. Bilang halimbawa, isa pang sangkap sa repellent ng insekto at mga pang-industriyang pesticide ang permethrin. Natuklasan ng Environmental Protection Agency (EPA o Ahensiya sa Pagprotekda ng Kapaligiran) na ang permethrin (at ang mga nauugnay na kemikal na resmethrin and d-phenothrin) ay magagamit para sa pagkontrol ng lamok para sa pampublikong kalusugan nang walang hindi makatuwirang panganib sa kalusugan ng tao (EPA). Maaaring maging mas panatag ang loob mo sa mga alternatibong ito kung nais mong iwasan ang DEET. Ang smartphone app na Detox Me ay may marami ring tip para matulungan kang pumili ng mga mas ligtas na produkto.

Ang dapat tandaan

Walang epektong nagdudulot ng kanser ang mga repellent ng insekto na may DEET, pero may mga alternatibong walang DEET.

National Pesticide Information Center (Pambansang Sentro para sa Impormasyon sa Pesticide): DEET General Fact Sheet (Dokumento ng Pangkalahatang Impormasyon sa DEET)
Roswell Park Comprehensive Cancer Center: Bug spray and cancer (Spray sa insekto at kanser)
Environmental Protection Agency (EPA o Ahensiya sa Pagprotekda ng Kapaligiran): DEET
EPA: Permethrin
EPA: Mosquito control (Pagkontrol sa lamok)
ATSDR: DEET

Petsa

Inilathala: Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022