Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang paggamit ng mga tampon na may titanium dioxide
Ang maaaring narinig mo
Maaaring may nakita kang viral na TikTok video na nagsasabing may sangkap na tinatawag na titanium dioxide ang mga tampon, na responsable para sa pagpapataas ng panganib na magkaroon ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Ginagamit ang titanium dioxide bilang pangkulay sa sinulid na nakakabit sa mga tampon. Wala pang 0.1% ng titanium dioxide ang ginagamit sa kabuuang sangkap ng mga tampon. Dahil napakababa ng antas ng pagkalantad, malamang na napakababang panganib na carcinogen ito.
Epidemiological na Katibayan
Sa kasalukuyan, walang de-kalidad na epidemiological na pag-aaral na nagtatatag na nauugnay ang titanium dioxide sa mga tampon sa pinataas na panganib na magkaroon ng kanser.
Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan
Isang pag-aaral sa laboratoryo ang sumuri sa ugnayan ng pagkalantad sa titanium dioxide sa mga daga. Nalaman nilang nabuo ang kanser sa baga noong nalantad ang mga daga sa matataas na antas ng titanium dioxide (Driscoll).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: 2B (posibleng carcinogenic sa mga tao)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Puwede mong pababain ang iyong panganib na malantad sa titanium dioxide sa pamamagitan ng paggamit ng mga tampon na walang dye, pabango, at bleach.
Ang dapat tandaan
Batay sa kasalukuyang katibayan, hindi nagdudulot ng kanser ang pagkalantad sa titanium dioxide dahil sa paggamit ng tampon.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Titanium Dioxide in Tampons: Debunked by OB-GYNs (Na-debunk ng Mga OB-GYN)
Petsa
Agosto 22, 2022
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022