Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Pinapataas ng napaka-acidic na diyeta ang panganib na magkaroon ng kanser

Ang maaaring narinig mo

Dahil dumarami ang mga selula ng kanser sa acidic na kapaligiran, maraming tao ang nagtanong kung napapataas ng diyeta na maraming acidic na pagkain ang panganib na magkaroon ng kanser.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Sa kimika, ang sukatan ng pH ay panukat para sa kung gaano ka-acidic o ka-basic ang isang solusyon. Ang sukatan ng pH ay mula 0-14: neutral ang 7, acidic ang mas mababa sa 7 at basic ang higit sa 7.

Epidemiological na Katibayan

Walang epidemiological na pag-aaral ng tao ang nag-aral sa ugnayan sa pagitan ng pH at kanser.

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Walang katibayan sa laboratoryo na pinapataas ng acidic na pH ang panganib na magkaroon ng kanser. Kahit na totoong dumarami ang mga selula ng kanser sa acidic na kapaligiran, ang mga antas ng pH ng iyong katawan ay hindi nagdedepende sa kinakain mo (MD Anderson). Kabilang sa mga salik na tumutukoy sa pH ng katawan mo ang kawalan ng fluid, antas ng electrolyte, at paggana ng organ.

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi Klasipikado

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Ipinapakita ng pananaliksik na walang iisang diyeta o pagkain na makakapigil sa kanser. Gayunpaman, maiiwasan ng balanseng diyeta at sapat na pisikal na aktibidad ang labis na timbang na nauugnay sa panganib na magkaroon ng kanser. Para maiwasan ang pagtaas ng timbang, inirerekomenda ang 150-300 minuto ng aktibidad na may katamtamang tindi kada linggo (Mayo Clinic). Kasama sa masustansiyang diyeta ang mga pagkaing mababa sa calorie at maraming nutrisyon (tulad ng mga prutas, gulay, at buong butil), pag-iwas sa saturated na taba, at paglimita sa matatamis na pagkain at alak. Makakatulong din sa pag-iwas sa pagdagdag ng timbang ang pagtukoy sa mga sitwasyon na nagtutulak sa labis na pagkain at pagkakaroon ng mga tool para matugunan ang mga sitwasyong ito. Panghuli, makakatulong din sa pag-iwas sa dagdag na timbang ang hindi pabago-bagong diyeta at pag-eehersisyo at regular na pagsubaybay sa iyong timbang.

Ang dapat tandaan

Hindi apektado ng iyong diyeta ang pH ng dugo mo, at walang iisang diyeta para mapigilan ang kanser. Sa halip, tumuon sa pagkain ng balanseng diyeta at regular na pag-eehersisyo.

MD Anderson: Alkaline diet (MD Anderson: Diyetang alkaline)
American Institute for Cancer Research (Institusyon para sa Pananaliksik sa Kanser ng Amerika): Alkaline diet (Diyetang alkaline)
Mayo Clinic: Obesity (Labis na katabaan)

Petsa

Inilathala: Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022