Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang aspartame
Ang maaaring narinig mo
Nagdudulot ng kanser ang pagkain/pag-inom ng aspartame.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Maraming kompanya ang lumipat mula sa normal na sucrose (asukal) sa mga pamalit sa asukal o artipisyal na pampatamis dahil sa malakas na kumpetisyon para gawing matamis at kaakit-akit ang pagkain. Ang aspartame ay isa sa mga pinakaginagamit na artipisyal na pampatamis. Katulad ng aspartame ang asukal, pero ito ay mas matamis sa asukal, at makikita ito sa iba’t ibang pagkain at inumin (ACS).
Epidemiological na Katibayan
Maraming pag-aaral ang nag-imbestiga kung nagdulot ng kanser ang mga artipisyal na pampatamis at Aspartame o hindi (NCI), pero walang nahanap na koneksyon sa pagitan ng panganib na magkaroon ng kanser at pagkain/pag-inom ng Aspartame (ACS).
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Walang katibayan sa laboratoryo na ang pagkain/pag-inom ng aspartame ay humahantong sa mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi Klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Pumili ng pampatamis na aprubado ng FDA. Malawakang napag-aralan ang mga pampatamis na ito at ligtas na kainin/inumin ang mga ito. Halimbawa, mabuting opsyon ang parehong sucrose (asukal) at Aspartame, dahil aprubado ng FDA ang mga ito at napatunayang kaunti ang panganib ng mga ito pagdating sa kanser, kung mayroon man (ACS).
Kadalasang nauugnay ang pagkain/pag-inom ng Aspartame o ibang pagkaing maraming asukal sa mas malaking pagkakataon na maging obese, lalo na kung hindi katamtaman ang pagkain/pag-inom ng mga ito. Nauugnay ang pagiging obese, o ang mataas na BMI, sa iba’t ibang uri ng kanser. May nagpapatuloy na pamamaga ang mga obese na indibidwal, na maaaring magdulot ng pinsala sa DNA sa paglipas ng panahon, na humahantong sa kanser. Mas malamang din na magkaroon sila ng ibang kondisyon o sakit na nagdudulot ng patuloy na pamamaga: halimbawa, Barrett’s esophagus, bato sa apdo, ulcerative colitis, at hepatitis (NCI). Para maiwasan ang labis na taba ng katawan, mahalagang magpanatili ng masustansiyang diyeta at magkaroon ng layuning 150-300 minuto ng katamtamang pisikal na aktibidad kada linggo (paglalakad, pagtakbo, hiking, atbp.) (Mayo Clinic).
Ang dapat tandaan
Maaaring hindi pinapataas ng pagkain ng mga bagay na may Aspartame ang panganib na magkaroon ka ng kanser. Gayunpaman, maaaring may masasamang epekto sa kalusugan ang diyetang labis sa asukal o Aspartame.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Artificial sweeteners and cancer (Mga artipisyal na pampatamis at kanser)
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Aspartame and cancer risk (Aspartame at panganib na magkarooon ng kanser)
Food and Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): High-intensity sweeteners permitted for use in food in the United States (Mga high-intensity na pampatamis na pinapayagang gamitin sa pagkain sa Estados Unidos)
Mayo Clinic: Obesity (Labis na katabaan)
Petsa
Hulyo 6, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022