Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Pinapababa ng mga diyetang mataas sa taba ang panganib na magkaroon ka ng kanser
Ang maaaring narinig mo
Pinapababa ng mga pagkaing mataas sa taba ang panganib na magkaroon ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Ang paniniwalang binabawasan ng mga diyetang mataas sa taba ang panganib na magkaroon ng kanser ay nagmumula sa maagang pananaliksik sa diyeta at kanser. Mas mababa ang rate ng kanser ng mga bansang may maraming pagkaing mataas sa “masustansiyang taba,” tulad ng mga bansa sa may Mediterranean Sea. Ngunit pagkatapos ng higit pang pag-aaral, mukhang hindi na nauugnay sa pagkain ng taba ang mga pagkakaiba sa panganib na magkaroon ng kanser (AICR). Mahalaga ang mga pangkalahatang desisyon sa pagkain, pati na rin ang uri at kalidad ng taba sa diyeta. Kamakailan, naging sikat ang mga diyetang mataas sa taba bilang paraan ng pagbawas ng timbang at para maiwasan ang panganib na magkaroon ng kanser. Gayunpaman, nagbababala ang ibang dalubhasa na ang pagkain ng masyadong maraming taba (at ang maling uri ng taba) ay maaaring pataasin ang panganib na magkaroon ka ng kanser.
Epidemiological na Katibayan
Marami nang ginagawang epidemiological na pag-aaral tungkol sa dietary fat (taba sa pagkain). Kailangan ng higit pang pananaliksik para mas maunawaan kung aling mga uri ng taba ang dapat iwasan at kung gaano karami ng bawat taba ang nakakapagbago sa panganib na magkaroon ng kanser. Kahit na pinag-aralan nang ilang taon ang mga monounsaturated, polyunsaturated, at trans fatty acid, hindi pa rin malinaw ang mga epekto ng mga ito sa panganib na magkaroon ng kanser. Ibinuod ng World Cancer Research Fund (Pandaigdigang Pondo para sa Pananaliksik sa Kanser) na may limitadong nagmumungkahing katibayan na pinapataas ng pagkain ng kabuuang taba o saturated na taba ang panganib na magkaroon ng kanser.
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Ipinakita ng isang pag-aaral na isinagawa sa mga nagbubuntis na babaeng daga na nagresulta ang diyetang mataas sa taba sa pagkakaroon ng kanser sa suso (Nguyen et al.). Gayunpaman, limitado pa ang pananaliksik, at kailangan ng higit pang pananaliksik para suriin ang epekto ng mga diyetang mataas sa taba sa mga pag-aaral sa hayop.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Ang taba ang pinakasiksik na pinanggagalingan ng mga calorie, kaya madaling maipon sa mga sobrang calorie ang maliliit na bahagi. Kung humantong sa pagtaas ng timbang ang mga sobrang calorie na iyon, napakatotoong alalahanin ito pagdating sa panganib na magkaroon ng kanser. Ang pagiging obese ay salik sa panganib na magkaroon ng maraming uri ng kanser. Ito ang ilang tip para mabawasan ang panganib sa iyo:
- Limitahan ang taba mula sa mga pagkaing nauugnay sa panganib ng kanser, tulad ng pulang karne at mga pinrosesong karne.
- Isentro ang iyong pagkain sa mga gulay, prutas, whole grain, at bean, na nag-aalok ng maraming masustansiyang taba, sustansiya, pamprotektang phytochemical, at dietary fiber.
- Kumain ng mga pagkaing nagmumula sa halaman (tulad ng mga mani at avocado) na natural na mataas sa taba.
- Hindi mas mabuti ang mga diyetang mababa sa taba kaysa sa ibang diyetang nagbabawas ng calorie para sa pagbawas ng timbang o pag-iwas sa pagdagdag ng timbang (AICR).
Ang dapat tandaan
Walang malakas na katibayan na nagdudulot o pinipigilan ng mga diyetang mataas sa taba ang kanser. Ang pagtuon sa kabuuang pagkain ng sustansiya at mga pattern ng pagkain ang pinakamainam na paraan para mabawasan ang panganib na magkaroon ng kanser na nauugnay sa pagkain.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
American Institute for Cancer Research (AICR o Institusyon para sa Pananaliksik sa Kanser ng Amerika): High-fat diets and cancer (Mga pagkaing mataas ang taba at kanser)
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Fat consumption (Pagkain ng taba)
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Obesity and cancer (Labis na katabaan at kanser)
MD Anderson: Obesity and cancer risk (Labis na katabaan at panganib ng kanser)
Centers for Disease Control and Prevention (CDC): Obesity and cancer (Labis na katabaan at kanser)
World Cancer Research Fund – Diet, Nutrition, Physical Activity and Cancer: A Global Perspective
Petsa
Hunyo 24, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022