Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang pagkain ng mga sunog na marshmallow
Ang maaaring narinig mo
Pinapataas ng pagkain ng mga sunog na pagkain o marshmallow ang panganib na magkaroon ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Binubuo ang mga marshmallow ng maraming iba’t ibang sugar. Kinakain ang mga ito nang mag-isa, pero minsan ay niluluto ang mga ito sa apoy para gumawa ng smores. Maraming kemikal ang makikita sa sunog na pagkain, kasama ang acrylamide, mga polycyclic aromatic hydrocarbon (PAH), at mga heterocyclic amine (HCA) (Dana-Farber). Natural na nabubuo ang acrylamide mula sa mga kemikal na reaksyon sa ilang uri ng pagkaing maraming starch kapag niluto ang mga ito sa mataas na temperatura. Gayunapaman, nabubuo lang ang kemikal kapag niluto ang pagkain hanggang maging dark brown ito at kung naluto ito nang matagal na panahon (Dana-Farber). Inilalabas ang mga PAH kapag tumulo ang taba at mga likido sa apoy habang nagluluto ng karne. Nabubuo ang mga HCA kapag nalantad ang karne sa matataas na temperatura sa loob ng matagal na panahon (FDA). Hindi alalahanin ang parehong ito sa mga sunog na marshmallow.
Epidemiological na Katibayan
Ayon sa World Cancer Research Fund (Pandaigdigang Pondo para sa Pananaliksik sa Kanser), walang malakas na katibayan ng ugnayan sa pagitan ng mga masyadong lutong pagkaing maraming starch at panganib na magkaroon ng kanser (WCRF).
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Walang katibayan sa laboratoryo na nagdudulot ng kanser ang pagkain ng mga sunog na pagkain.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC:: Hindi klasipikado (kahit na may ilang compound na mahahanap sa mga sunog na marshmallow na naglalaman ng mga kemikal na tinukoy ng IARC bilang carinogenic).
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Hindi malinaw kung may ugnayan sa pagitan ng mga masyadong lutong pagkaing maraming starch at kanser. Para mabawasan ang pagkalantad sa acrylamide kapag nagluluto ng ibang uri ng pagkain, iwasan ang pagprito at pag-deep fry, iwasang ilagay ang mga patatas sa refrigerator, at ibabad ang mga hilaw na hiniwang patatas sa tubig (at patuyuin) bago iprito o lutuin ang mga ito. Para maiwasan ang pagkain ng HCA at PAH kapag nagluluto ng karne, iwasan ang direktang pagkalantad ng karne sa bukas na apoy, panatilihing maikli ang oras ng pagluto sa hangganang makakaya mo, i-microwave ang karne bago ito lutuin sa mataas na temperatura, alisin ang mga sunog na bahagi kapag kumakain, gumamit ng mga acidic-base na marinade, o kumain ng mga inihaw na gulay at tokwa bilang alternatibo sa karne (Dana-Farber).
Ang dapat tandaan
Kahit na wala pang ginawang partikular na pag-aaral sa ugnayan ng mga sunog na marshmallow at kanser, hindi malamang na patataasin ng pagkain ng mga sunog na marshmallow ang panganib na magkaroon ng kanser.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Dana-Farber: Burnt food and cancer (Sunog na pagkain at kanser)
Food & Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): Acrylamide
World Cancer Research Fund (WCRF o Pandaigdigang Pondo para sa Pananaliksik sa Kanser): Burnt toast (Sunog na toast)
Petsa
Hunyo 25, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022