Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang monosodium glutamate (MSG)
Ang maaaring narinig mo
Pinapataas ng pagkain ng MSG ang panganib na magkaroon ka ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Ang MSG ay isa sa mga pinakakaraniwang additive sa pagkain. Sa pangkalahatan, nagbibigay ang MSG ng umami (parang karne) na amoy at kadalasan itong idinadagdag sa mga savory na pagkain para pabutihin ang lasa at amoy nito (Niaz et al.).
Epidemiological na Katibayan
Marami ng pananaliksik ang ginawa sa MSG, at walang nahanap na anumang ugnayan sa pagitan ng pagkain ng MSG at panganib na magkaroon ng kanser (Niaz et al.). Gayunpaman, tiningnan ng ibang pag-aaral ang mga posibleng nakakalasong epekto ng MSG sa katawan. Naugnay ng mga pag-aaral ang pagkain ng MSG sa pagiging obese, mga sakit sa central nervous system, pinsala sa atay, at hindi paggana ng reproductive system. Kahit na hindi naipakitang pinapataas ng MSG ang panganib na magka-kanser, maaaring may ibang nakakapinsalang epekto ito sa kalusugan (Niaz et al.).
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Pinag-aralan na ang mga epekto ng MSG sa mga model ng hayop. Gayunpaman, limitado ang mga pag-aaral na nag-iimbestiga kung nagdudulot ang MSG ng kanser sa mga hayop (Zanfirescu et al.).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Hindi naipakita ng panananaliksik sa MSG ang ugnayan sa panganib na magkaroon ng kanser. Ngunit inirerekomenda ng mga eksperto na iwasan ang mga produktong may MSG dahil maaaring humantong ito sa ibang nakakasamang epekto sa kalusugan. Tingnan ang mga sangkap ng mga kinakain mo, lalo na ang mga “savory (maalat)” na produkto, dahil mas malamang na may MSG ang mga ito (Niaz et al.).
Ang dapat tandaan
Ang pagkain ng MSG mismo ay mukhang hindi nagdudulot ng kanser o nagpapataas ng panganib na magkaroon ng kanser.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Niaz et al.: Extensive use of monosodium glutamate: A threat to public health?
Mayo Clinic: What is MSG? (Ano ang MSG?)
Petsa
Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022