Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang pulang karne
Ang maaaring narinig mo
Pinapataas ng pagkain ng pulang karne ang panganib na magkaroon ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Noong 2015, sinabi ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser) na group 2A na carcinogen ang pinrosesong karne, na nangangahulugang posibleng carcinogenic (o nagdudulot ng kanser) ito sa mga tao, batay sa katibayan para sa pagkakaroon ng mas mataas na panganib na magkaroon ng colorectal cancer (IARC).
Epidemiological na Katibayan
Kahit na nag-iiba ang mga resulta, ipinapahiwatig ng mga pag-aaral sa buong mundo na ang madalas na pagkain ng pulang karne, na nangangahulugang mga hindi pinrosesong karne mula sa mga mammal (hal., baka, veal, baboy, tupa, atbp.), ay nauugnay sa mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser, lalo na ng kanser sa colon (ACS). Ipinapahiwatig din ng mga kamakailang pag-aaral na posibleng pinapataas ng pulang karne ang panganib na magkaroon ng kanser sa suso at prostate, ngunit kailangan pa ng mas maraming pananaliksik.
Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan
Sa pangkalahatan ay sumasang-ayon ang mga pag-aaral sa laboratoryo at sa mga hayop sa mga epidemiological na pag-aaral na nagsasabing nauugnay ang kanser sa colon sa pagkain ng pulang karne (International Agency for Research on Cancer).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 2A (Posibleng carcinogenic sa mga tao)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Kabilang sa masustansiyang pagkain ang mga pagkaing maraming iba’t ibang sustansiya, na kinakain sa daming makakatulong na maabot at mapanatili ang malusog na timbang. Para mabawasan ang panganib sa iyo, limitahan o iwasan ang mga pula at pinrosesong karne, inuming pinatamis ng asukal, pinrosesong pagkain, at refined grain na produkto. Dahil hindi alam ang “ligtas na antas” para sa pagkain ng pulang karne, pumili ng mga protinang tulad ng isda, manok, at mani sa halip na pulang karne kapag maaari.
Ang dapat tandaan
Ang madalas na pagkain ng pulang karne ay naiugnay sa kanser, kasama ang colorectal cancer, kanser sa suso, at prostate. Bilang pag-iingat, limitahan o iwasan ang mga pula at pinrosesong karne at piliin ang mga protinang tulad ng isda, manok, at mani.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Diet guidelines (Mga alituntunin sa diyeta)
Harvard Health: Red meat and colon cancer (Pulang karne at kanser sa colon)
Cleveland Clinic: Red meat (Pulang karne)
Cancer Council: Red meat (Pulang karne)
International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser): Red Meat and Processed Meat (Pulang Karne at Pinrosesong Karne)
Petsa
Inilathala: Hunyo 1, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022