Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang asbestos
Ang maaaring narinig mo
Nagdudulot ng kanser ang pagkalantad sa asbestos.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Ang asbestos ay materyales sa konstruksyon (pangunahing ginagamit bilang insulation) at makikita ito sa mga gusaling binuo bago ang 2000.
Itinakda ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser) ang asbestos bilang kilalang carcinogen. Nagdudulot ito ng kanser sa pamamagitan ng paggasgas sa tisyu ng baga kapag nalanghap ang mga hibla nito. Ang dalawang pinakakaraniwang uri ng kanser na nauugnay sa asbestos ay kanser sa baga at mesothelioma (ACS). May ugnayan din sa pagitan ng asbestos at mga rate ng kanser sa ovary at larynx.
Epidemiological na Katibayan
Ipinakita ng ilang epidemiological na pag-aaral na pinapataas ng pagkalantad sa asbestos ang panganib na magkaroon ng mesothelioma, isang uri ng kanser sa baga. Ipinakita ng isang pag-aaral na nakabase sa Taiwan tungkol sa mga manggagawa sa industriya ng pagproseso ng jade ang mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser sa baga (Lin et al.). Nalaman din ng isa pang cohort study na nakabatay sa populasyon na ang mga naninirahan malapit sa mga planta ng pagmamanupaktura ng asbestos ay mayroon ding mas mataas na rate ng mesothelioma at kanser sa baga kumpara sa pangkalahatang populasyon (Zha et al.). Nalaman din ng mga
case control study na ang mga nalantad sa asbestos ay mayroon ding mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser sa baga (Minowa et al.).
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Ipinakita ng ilang pag-aaral sa hayop na nakakasama sa mga hayop ang pagkalantad sa asbestos at nakakadulot ito ng ilang uri ng kanser, kasama ang mesothelioma.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (Carcinogenic sa mga tao)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Simula noong maagang bahagi ng dekadang 2000, maraming bansa ang nagbawal sa paggamit ng asbestos sa konstruksyon, at nagkaroon ng maraming pagsisikap para alisin ang asbestos sa mga gusali na binuo bago ang 2000, lalo na sa Estados Unidos (ACS).
Para tiyaking mababa ang pagkalantad mo sa asbestos, alamin kung kailan binuo ang iyong tahanan, lugar ng trabaho, at anumang ibang gusali kung saan madalas kang namamalagi. Kung binuo ang alinman sa mga ito bago ang 2000, tingnan kung na-renovate at/o nainspeksyon ang mga ito para sa asbestos. Ginawa na ito sa karamihan ng mga gusali, pero kung hindi ka sigurado, makipag-ugnayan sa ACS dahil pinapangunahan nila ang pag-alis at pag-test ng asbestos (NIOSH).
Ang dapat tandaan
Kilalang carcinogen ang asbestos, pero para sa karamihan ng mga tao, hindi alalahanin ang pagkalantad sa asbestos. Para tiyaking mababa ang pagkalantad mo, beripikahing sumusunod sa mga pambansang pamantayan ang iyong tahanan at lugar ng trabaho.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Known and probable human carcinogens (Mga kilala at posibleng carcinogen sa tao)
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Asbestos and cancer risk (Asbestos at panganib ng pagkakaroon ng kanser)
CDC at National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH o Pambansang Institusyon para sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho): Asbestos
Increased Standardised Incidence Ratio of Malignant Pleural Mesothelioma in Taiwanese Asbestos Workers: A 29-Year Retrospective Cohort Study
Population-based cohort study on health effects of asbestos exposure in Japan
A case-control study of lung cancer with special reference to asbestos exposure
Petsa
Inilathala: Hulyo 6, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022