Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang pagkalantad sa lead
Ang maaaring narinig mo
Nagdudulot ng kanser ang pagkalantad sa lead.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Nakakapinsala ang lead, anuman ang uri ng pagkalantad sa lead (paghinga, paglunok, o pagpasok sa pamamagitan ng balat), pero pumapasok sa katawan ang pinakamatataas na antas ng lead kapag nahinga ito (CDC). Pumapasok ang lead sa katawan at nananatili ito sa mga buto, dugo, at tisyu, kaya patuloy na nalalantad ang katawan sa mga nakakapinsalang antas ng lead, kahit pagkatapos ng unang pagkalantad. Habang tumatanda ang ating katawan, nagsisimulang mag-break down ang mga buto at dumarami ang mga internal na pagkalantad; tinatawag itong pag-demineralize ng buto (CDC). Nakakaranas din ng karagdagang pag-demineralize ng buto ang mga babaeng nasa menopause.
Ang mga pansamantalang epekto sa kalusugan mula sa pagkalantad sa lead ay pananakit ng tiyan, hindi pagdumi, pananakit ng ulo, kawalan ng alaala, pananakit sa kamay at paa, at panghihina. Maaaring magdulot ang pagkalantad sa matataas na antas ng lead sa paglipas ng panahon ng anemia, panghihina, pinsala sa bato, pinsala sa utak, at kahit pagkamatay (CDC). Nalalantad din ang hindi pa napapanganak na sanggol kapag nalantad ang nagbubuntis na ina, na nagreresulta sa pinsala sa nervous system ng sanggol. Ang pagkalantad sa lead ay posibleng magdulot ng miscarriage (pagkalaglag ng sanggol), stillbirth, at kawalan ng kakayahang magkaroon ng anak (CDC).
Epidemiological na Katibayan

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Iniulat ng mga pag-aaral sa laboratoryo na nagdudulot ang lead ng kanser sa bato, kanser sa utak (gliomas), at kanser sa baga sa mga daga, at lumalakas ang epekto nito kapag kasama ng ibang carcinogen. Naglathala rin ang ilang environmental journal ng mga pag-aaral tungkol sa epekto ng lead sa mga daga, na naipakita ring nagdudulot ng paglaki ng tumor. Pinapataas ng pangmatagalang pagkalantad sa lead ang kaganapang magkaroon ng kanser sa baga sa mga daga (Vainio).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 2B (posibleng carcinogenic sa mga tao: inorganic na lead), 3 (Hindi maklasipika pagdating sa pagiging carcinogenic nito sa mga tao: organic lead) at Group 2A (posibleng carcinogenic sa mga tao: lead).
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Ganap na iwasan o pigilan ang pagkalantad sa lead. Maaaring kasama rito ang dahan-dahang pagtigil sa paggamit ng lead sa mga pintura, pagtigil sa paggamit ng lead sa mga produkto sa tahanan, paghikayat sa pag-alis ng mga tubong may lead, pag-iwas sa pagkalantad mula sa elektrikal at elektronikong basura, at pagtukoy sa mga kontaminadong lugar (WHO). Kung alam mong nalalantad ka sa lead dahil sa iyong trabaho, subaybayan ang iyong mga antas ng dugo sa panahon ng pagkalantad sa trabaho. Isama na rin ang pagsubaybay sa antas ng dugo ng sinuman sa iyong sambahayan (WHO).
Ang dapat tandaan
Nauungay ang pagkalantad sa lead sa malulubhang kinahihinatnan sa kalusugan, tulad ng kanser, at dapat itong iwasan (CDC).
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit): Lead
World Health Organization (WHO): Exposure to lead (Pagkalantad sa lead)
American Lung Association: Lead
American Cancer Society: Known and probable human carcinogens (Mga kilala at posibleng carcinogen sa tao)
Petsa
Inilathala: Hunyo 30, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022