Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang ilang kemikal sa pintura
Ang maaaring narinig mo
Nauugnay sa kanser ang pagpipintura sa loob o labas ng bahay
Ang sinasabi ng agham sa atin
May libo-libong kemikal na compound ang mga kemikal sa pintura Ang mga pangunahing organic na solvent na ginagamit sa mga pintura ay toluene, xylene, mga aliphatic compound, mga ketone, mga alkohol, mga ester, at mga glycol ester. Ang dami ng mga volatile organic compound (VOC) na inilalabas ay katulad ng inilalabas ng mga pinturang tubig ang pangunahing sangkap (Chen et al.).
Nalalantad ang mga taong nagtatrabaho sa industriya ng pagpipintura sa mga kemikal na makikita sa mga produktong pintura sa paglalagay at pag-alis ng mga ito. Sa nakaraan, madalas lumalampas ang pagkalantad sa mga mapanganib na sangkap sa mga limitasyon para sa trabaho, pero malaki na ang ibinaba ng mga antas ng pagkalantad sa paglipas ng panahon.
Epidemiological na Katibayan
Kinaklasipika ang pagkalantad sa trabaho bilang pintor bilang Group 1 na carcinogen ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser) batay sa pinataas na panganib na magkaroon ng kanser sa baga, kanser sa urinary bladder, at mesothelioma (IARC). Pero walang natukoy ang IARC Working Group ng anumang partikular na sangkap sa pintura na nagpapataas ng panganib na magkaroon ng kanser.
May ilang katibayan ng ugnayan sa pagitan ng leukemia ng bata sa pagkalantad sa kemikal sa pintura, pero kailangan ng higit pang pananaliksik dahil hindi pare-pareho ang resulta ng mga kasalukuyang pag-aaral.
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
May ilang katibayan sa toxicology na nagdudulot ang mga organic na solvent ng kanser sa mga pag-aaral sa hayop. Gumamit ang ilan sa mga pag-aaral ng mga pinaghalong solvent, kaya kailangan ng higit pang pananaliksik para malaman kung may iisang partikular na organic na solvent na pangunahing sanhi. Natuklasan ng mga mananaliksik na may naganap na pinsala sa DNA noong nalantad ito sa mga organic na solvent na ito. (Lynge et al.).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC:Group 1 para sa Cadmium, Group 2A para sa inorganic lead, Group 2A para sa styrene, Group 2 para sa Benzene, Group 3 (para sa mga Xylene), Group 3 (para sa Toluene), Group 3 para sa Chromium
Nasa pintura ang lahat ng sangkap na ito.
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Naghaharap ng pinakamalaking panganib ang pagkalantad sa kemikal sa pintura sa lugar ng trabaho. Kung regular kang nagtatrabaho gamit ang pintura, mahalagang magsuot ng mga mask at ibang pamprotektang kagamitan para maiwasan ang pagkalantad. Dagdag pa, sa loob ng unang ilang araw pagkatapos mailagay ang pintura, lumayo rito at tiyaking maraming bentilasyon ang espasyo sa loob (Chen et al.). Huwag pinturahan ang iyong bahay kung buntis ka.
Ang dapat tandaan
Kinaklasipika ang pagkalantad sa pintura sa trabaho bilang Group 1 carcinogen ng IARC. Kung regular kang nalalantad sa bagong-lagay na pintura, tiyaking gumamit ng mask, magtrabaho sa lugar na may mabuting bentilasyon, o gumamit ng ibang pamprotektang hakbang.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
International Research Agency on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser): Occupational exposure as a painter (Pagkalantad sa trabaho bilang pintor)
Chen et al.: A meta-analysis of painting exposure and cancer mortality
American Lung Association: Volatile Organic Compounds
Petsa
Inilathala: Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022