Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Nagdudulot ng kanser ang radiation mula sa mga linya ng kuryente

Ang maaaring narinig mo

Isinaad ng U.S. National Institute of Environmental Health Sciences (NIEHS o Pambansang Institusyon para sa Agham ng Pangkapaligirang Kalusugan) na mababa ang panganib sa kalusugan ng extremely low frequency (ELF) radiation: Hindi ganap na ligtas ang radiation pero posibleng carcinogen pa rin ito (ACS, NIEHS).

Ang sinasabi ng agham sa atin

May spectrum ang radiation mula sa napakataas na enerhiya hanggang sa napakababang enerhiya. Kabilang sa high-energy na radiation ang mga X-ray at UV ray. May potensyal ang parehong mga X-ray at UV ray na masira ang DNA ng selula, na maaaring humantong sa kanser. Naglalabas ang mga linya ng kuryente ng low-frequency non-ionizing radiation mula sa mga elektroniko at magnetic na field. May limitadong katibayan na nauugnay sa kanser ang pagkalantad sa ganitong uri ng radiation.

Epidemiological na Katibayan

Walang sapat na enerhiya ang ELF radiation, tulad ng nahahanap sa mga linya ng kuryente o kagamitan sa tahanan (tulad ng mga refrigerator at vacuum cleaner), para makasira ng DNA. Ayon sa American Cancer Society (Kapisanan sa Kanser ng Amerika), walang katibayan na nagdudulot ng kanser ang pagkalantad sa ELF radiation (ACS). Katulad nito ang mga natuklasan ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser), pero hinati nila ang ELF radiation sa dalawang kategorya: elektroniko at magnetic. Isinaad ng IARC na walang sapat na katibayan para sabihin kung carcinogenic ang extremely low frequency na elektronikong radiation sa mga tao, at na posibleng carcinogenic ang extremely low frequency magnetic radiation sa mga tao (ACS, IARC). Mas mataas nang kaunti ang panganib na magkaroon ng leukemia ang mga batang may mga pinakamataas na antas ng pagkalantad, kumpara sa mga batang may pinakamababang antas ng pagkalantad. (ACS, IARC).

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Limitado ang mga pag-aaral sa laboratoryo tungkol sa mga linya ng kuryente at panganib na magkaroon ng kanser. Kailangan ng higit pang pananaliksik para mas masuri ang kaugnayan sa pagitan ng dalawang ito.

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado.

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Hindi malinaw kung nakakapinsala ang pagkalantad sa ELF radiation, pero may mga hakbang kang maaaring gawin para mabawasan ang pagkalantad mo. Inirerekomenda ng NIEHS na alamin ng mga tao kung saan nanggagaling ang kanilang pagkalantad sa ELF at limitahan ang oras na inilalaan malapit sa mga pinanggagalingang ito. Halimbawa, malaki ang nababawas sa ELF radiation mula sa mga linya ng kuryente habang lumalaki ang distansya mula sa linya ng kuryente Kapag mas malayo ka, mas ligtas ka mula sa radiation.

Ang dapat tandaan

Hindi malinaw kung nagdudulot ng kanser ang extremely low-frequency radiation, pero bahagyang may panganib ito sa kalusugan. Dapat magsagawa ang mga tao ng mga hakbang para mabawasan ang kanilang pagkalantad.

American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Power lines and Extremely Low Energy Radiation (Mga linya ng kuryente at Extremely Low Energy na Radiation)
International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser): Extremely Low-Frequency (ELF) radiation
National Institute of Environmental Health Sciences (NIEHS o Pambansang Institusyon para sa Agham ng Pangkapaligirang Kalusugan): Power lines and radiation exposure (Mga linya ng kuryente at pagkalantad sa radiation)

Petsa

Inilathala: Hulyo 13, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022