Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang usok ng diesel
Ang maaaring narinig mo
Nagdudulot ng kanser ang paglanghap ng usok ng diesel.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Ang diesel ay uri ng likidong nagmumula sa crude oil at ginagamit sa karamihan ng malalaking makina (tulad ng mga trak, tren, bus, kagamitang pangkonstruksyon, at barko). Ang bahaging gas ng diesel ay binubuo ng carbon dioxide, carbon monoxide, nitric oxide, nitrogen dioxide, mga sulfur oxide, at mga hydrocarbon (tulad ng mga polycyclic aromatic hydrocarbon o PAH). Ang soot (uling) na bahagi ng usok ng diesel ay binubuo ng mga partikulo (tulad ng carbon, mga organic na compound tulad ng mga PHA, at napakakaunting bakal na compound).
Epidemiological na Katibayan
Sa mga pag-aaral sa mga tao, may nakitang mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser sa baga sa mga manggagawang nalantad sa usok ng diesel (ACS). Kinaklasipika ng parehong International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser) at Environmental Protection Agency (EPA o Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran) ang usok ng diesel bilang carcinogenic (nagdudulot ng kanser) sa mga tao.
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Nakakapagdulot ang parehong gas at soot na bahagi ng diesel fuel ng mga pagbabago sa DNA sa laboratoryo (na maaaring humantong sa kanser), at nakakapagdulot ang matagalang pagkalantad sa diesel ng kanser sa baga sa mga hayop sa laboratoryo (ACS). Ipinakita ng ilang pag-aaral na nagdulot ang pagkalantad sa usok ng diesel at pangmatagalang paglanghap nito ng kanser sa baga sa mga hayop (Heinrich et al.).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (carcinogenic sa mga tao)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Pinakamadalas na nalalantad ang mga tao sa usok ng diesel sa mga kalsada at highway, o sa ilang trabaho. Bilang resulta nito, nagsagawa ang ilang organisasyon, tulad ng EPA, ng ilang hakbang para mabawasan ang usok ng diesel sa highway sa pamamagitan ng batas, at hinihikayat ng mga dalubhasa sa larangang ito ang mga karagdagang pagbawas sa pagkalantad.
Pagdating sa pagkalantad sa iyong lugar ng trabaho o sa sarili mong sasakyan, subukang bawasan ang oras na nalalantad ka sa usok ng diesel, at bawasan ang oras na wala kang ginagawa, dahil maaaring mapanganib ito lalo na sa maliliit at saradong espasyo (ACS).
Ang dapat tandaan
Nagdudulot ng kanser ang usok ng diesel. Kailangang matugunan ng mga sasakyan ang mga pederal na alituntunin para bawasan ng mga sistema ng paglabas ng usok ang mga pagbuga ng diesel. Iwasan ang mga lumang sistema ng paglabas ng usok dahil maaaring mapanganib ang mga ito, lalo na sa mga saradong lugar. Pumili ng mga sasakyang mababa ang mga pagbuga, kasama ang mga elektronikong sasakyan, at suportahan ang mga pambansang patakaran para mabawasan ang mga pagbuga upang higit na mabawasan ang mga panganib.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Diesel exhaust and cancer (Paglabas ng diesel at kanser)
Silverman et al.: Diesel Exhaust Causes Lung Cancer – Now What?
Environmental Protection Agency (EPA o Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran): EPA to Reexamine Health Standards for Harmful Soot
Petsa
Inilathala: Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022