Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Pinapataas ng kaunting pisikal na aktibidad ang panganib na magkaroon ng kanser

Ang maaaring narinig mo

Pinapataas ng kaunting pisikal na aktibidad ang panganib na magkaroon ng kanser.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Epidemiological na Katibayan

May malakas na katibayan na ang mas maraming pisikal na aktibidad ay nauugnay sa mas mababang panganib na magkaroon ng ilang uri ng kanser. Karamihan sa katibayang ito ay inilalathala sa mga “meta-analysis,” o mga pang-istatistikang paghahambing ng maraming pag-aaral na tumutugon sa mga parehong tanong:

  • Pantog: Sa isang meta-analysis ng 15 pag-aaral noong 2014, mas mababa ang panganib na magkaroon ng kanser sa pantog nang 15% para sa mga taong marami ang pisikal na aktibidad kaysa mga taong may kaunting pisikal na aktibidad (NCI).
  • Suso: Sa isang meta-analysis ng 38 pag-aaral noong 2016, mas mababa ang panganib na magkaroon ng kanser sa suso nang 12-21% para sa mga babaeng may pinakamaraming pisikal na aktibidad kaysa mga taong may pinakaunting pisikal na aktibidad (NCI).
  • Colon: Sa isang meta-analysis ng 126 na pag-aaral noong 2016, mas mababa ang panganib na magkaroon ng kanser sa suso nang 12-21% para sa mga taong may pinakamaraming pisikal na aktibidad kaysa mga taong may pinakaunting pisikal na aktibidad (NCI).
  • Endometrial: Partikular na naobserbahan ng isang meta-analysis ng 33 pag-aaral na mas mababa nang 20% ang panganib na magkaroon ng endometrial cancer para sa mga babaeng pisikal na aktibo kaysa mga babaeng kaunti ang pisikal na aktibidad (NCI).
  • Esophagus: Natuklasan ng isang meta-analysis ng 24 na pag-aaral noong 2014 na mas mababa nang 20% ang panganib na magkaroon ng kanser sa esophagus para sa mga babaeng pisikal na aktibo kaysa mga taong kaunti ang pisikal na aktibidad (NCI).
  • Bato: Sa isang meta-analysis ng 19 na pag-aaral noong 2013, mas mababa ang panganib na magkaroon ng renal cancer nang 12% para sa mga taong pisikal na aktibo kaysa mga taong may pinakaunting pisikal na aktibidad (NCI).
  • Tiyan: Iniulat ng isang meta-analysis ng 22 pag-aaral noong 2016 na mas mababa ang panganib na magkaroon ng kanser sa tiyan nang 19% para sa mga taong may pinakamaraming pisikal na aktibidad kaysa sa mga taong may pinakaunting pisikal na aktibidad (NCI).
  • May limitadong katibayan na pinapababa ng pisikal na aktibidad ang panganib na magkaroon ng kanser sa baga, dugo, pancreas, prostate, ovary, thyroid, atay, at rectum (NCI).

Dagdag pa sa pisikal na aktibidad, ang sedentary na gawi (pag-upo, pagsandal, o paghiga nang matagal) ay salik sa panganib para sa maraming ibang pangmatagalang kondisyon at maagang pagkamatay (NCI).

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Sa pangkalahatan ay sinusuportahan ng mga natuklasan mula sa mga pag-aaral sa hayop ang mga natuklasan sa epidemiology. Sa mga daga, humantong ang pag-ehersisyo sa pagliit ng tumor (Eschke et al.).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Kasama sa mga rekomendasyon sa pisikal na aktibidad para mabawasan ang panganib ng pagdagdag ng timbang, pagiging obese, at ilang uri ng kanser ang: 150-300 minuto ng katamtamang cardiovascular na aktibidad kada linggo, 75-100 minuto ng masiglang cardiovascular na aktibidad kada linggo, at pagsasanay na pampalakas ng kalamnan nang hindi bababa sa dalawang araw kada linggo (CDC).

Ang dapat tandaan

Pinapataas ng kaunting pisikal na aktibidad ang panganib na magkaroon ng kanser sa pantog, suso, colon, esophagus, bato, tiyan, at endometrial cancer. Bawasan ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa pamamagitan ng pag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto kada araw.

National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Physical activity and cancer (Pisikal na aktibidad at kanser)
MD Anderson: Physical activity
World Cancer Research Fund: Physical activity
Centers for Disease Control and Prevention (CDC): Physical activity

Petsa

Hunyo 24, 2021
Naberipika/na-update: Enero 26, 2022