Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang mga sangkap ng ketchup (MSG at high fructose corn syrup)
Ang maaaring narinig mo
May high fructose corn syrup at MSG ang ketchup para sa lasa at tamis.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Maraming pag-aaral ang nagpakita na nakakasama ang high fructose corn syrup sa iyong kalusugan. Pinapataas nito ang iyong panganib na madagdagan ang timbang, magkaroon ng type 2 na diyabetis, metabolic syndrome, at matataas na antas ng triglyceride.
Epidemiological na Katibayan
Nauugnay din ang labis na pagkain/pag-inom ng high fructose corn syrup sa pagiging obese at mas mataas na panganib na magkaroon ng colon cancer (Goncalves et al.).
Kahit na hindi naipakitang pinapataas ng MSG ang panganib na magka-kanser, naugnay ng mga pag-aaral ang MSG sa pagiging obese, mga sakit sa central nervous center, pinsala sa atay, at hindi paggana ng reproductive system (Niaz et al.).
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Pinag-aralan ng isang pag-aaral sa mga daga ang mga epekto ng pagkain/pag-inom ng high fructose corn syrup. Natuklasan ng mga mananaliksik na may labis na pagdagdag ng timbang at pagkakaroon ng mga tumor, na nagpapahiwatig na maaaring naaapektuhan ng fructose ang paglaki ng tumor. (NCI).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Iwasan ang mga produkto, tulad ng ketchup, na may high fructose corn syrup at MSG. Kumain ng ketchup nang katamtaman para mabawasan ang iyong panganib na magkaroon ng kanser.
Ang dapat tandaan
Ang pagkain ng ketchup mismo ay mukhang hindi nagdudulot ng kanser. Gayunpaman, nauugnay ang labis na pagkain/pag-inom ng high fructose corn syrup, isang mahalagang sangkap ng ketchup, sa pagiging obese at mas mataas na panganib na magkaroon ng colon cancer. Kahit na walang direktang ugnayan sa pagitan ng panganib na magka-kanser at MSG, may ibang nakakapinsalang epekto sa kalusugan na dapat isaalang-alang kapag kumakain ng ketchup.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Mayo Clinic: High-fructose corn syrup and health concerns (High-fructose corn syrup at mga alalahanin sa kalusugan)
Niaz et al.: Extensive use of monosodium glutamate: A threat to public health?
Mayo Clinic: Is MSG harmful? (Nakaksama ba ang MSG?)
Goncalves et al.: High-fructose corn syrup enhances intestinal tumor growth in mice
Petsa
Inilathala: Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022