Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang mga sangkap na partikular na nasa maanghang na chips
Ang maaaring narinig mo
Isang kuwento mula 2013 tungkol sa 10 taong gulang na batang babae na nakaranas ng malubhang sakit sa tiyan ang naging front page na balita pagkatapos sabihin ng kanyang doktor na ang sakit niya ay dahil sa pagkain ng maanghang na chips. Sinabi ng doktor na nagdulot ang mga malakas na kemikal sa chips ng pagkasira ng lalamunan at tiyan, na nagdulot ng mga ulcer sa tiyan at posibleng kanser sa lalamunan.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Ayon sa Environmental Working Group (EWG o Working Group para sa Kalikasan), ang 3 sangkap na pinakamalaking alalahanin sa maanghang na chips ay red 40 lake, blue 1 lake, at yellow 6 lake.
Epidemiological na Katibayan
Ipinakita ng mga pag-aaral na walang carcinogenic na epekto sa mga tao ang Yellow 6, Red 40, at Blue 1, at pinatunayan ng FDA ang pahayag na ito (FDA). Wala pang naisagawang pag-aaral na sumuri sa pagkain ng maanghang na chips at panganib na magkaroon ng kanser.
Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan
Limitado ang katibayan sa laboratoryo na nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng maanghang na chips at kanser.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Ginagamit ang mga artipisyal na kulay para gawing mas kaakit-akit ang mga pagkain na kaunti ang nutrisyon, kaya isang madaling paraan para malaman kung kulang sa sustansiya ang pagkain ang pagtingin kung may food coloring ito.
Kasalukuyang walang katibayan na nauugnay ang maanghang na chips sa pagkasira (corrosion) sa lalamunan at tiyan. Sa gayon, walang katibayan na nauugnay sa kanser ang mga sangkap sa chips na ito. Gayunapaman, mataas sa mga saturated na taba (na nagpapataas sa dami ng cholesterol sa dugo)
at LDL cholesterol (nagpapataas sa iyong panganib na magkaroon ng sakit sa puso at stroke) ang chips na ito (AHA). Ang pagkain ng maraming pagkain na mababa sa sustansiya at mataas sa taba ay maaaring humantong din sa pagiging obese at labis na timbang, na nagpapataas din sa panganib na magkaroon ng sakit sa puso, stroke, diyabetis, at ilang kanser.
Ang dapat tandaan
Hindi malamang na nagpapataas ng panganib na magkaroon ng kanser ang pagkain ng maanghang na chips. Gayunpaman, mataas sa saturated na taba ang chips na ito kaya dapat kumain nang katamtamang dami lamang para maiwasan ang panganib na magkaroon ng sakit sa puso, stroke, at ibang sakit.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Food and Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): Code of Federal Regulations Title 21 (Titulo 21 ng Kodigo ng Mga Pederal na Regulasyon)
Bunch et al.: Evaluating cytotoxicity of methyl benzoate in vitro
Environmental Working Group (EWG o Working Group para sa Kalikasan): Cheetos
Environmental Working Group (EWG o Working Group para sa Kalikasan): Takis
American Heart Association (AHA o Samahan para sa Puso ng Amerika): Saturated fat
Petsa
Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022