Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Pinapataas ng acrylamide (sangkap sa ilang pagkain) ang panganib na magkaroon ng kanser

Ang maaaring narinig mo

Kinaklasipika ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser) ang acrylamide bilang posibleng carcinogen (nagdudulot ng kanser) sa mga tao at kinaklasipika ng US Environmental Protection Agency (EPA o Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran ng US) ang acrylamide bilang malamang na carcinogen sa mga tao (NCI).

Ang sinasabi ng agham sa atin

Ang acrylamide ay kemikal na ginagamit sa mga pang-industriyang proseso, tulad ng paggawa ng papel, mga dye, at mga plastik, at mga produkto para sa mamimili, tulad ng mga pambalot ng pagkain at pandikit. Makikita rin ang acrylamide sa mga pagkaing tulad ng french fries, potato chips, biskwit, tinapay, cookies, at itim na olive. Malaking dahilan ng pagkalantad sa acrylamide ang usok mula sa tabako. Ang mga naninigarilyo ay may 3-5 higit pang antas ng pagkalantad sa acrylamide sa kanilang dugo kaysa sa mga hindi naninigarilyo. (NCI).

Epidemiological na Katibayan

Malaking bahagi ng pahayag na malamang na maging carcinogenic (magdulot ng kanser) sa mga tao ang acrylamide ay nakabatay sa mga pag-aaral sa hayop, at kailangan ng higit pang pananaliksik para kongklusibong masabi na nauugnay ang acrylamide sa pinataas na panganib na magkaroon ng kanser ang mga tao.

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Nakakahadlang sa pagsasaayos ng DNA ang matataas na antas ng pagkalantad sa acrylamide. Ang pag-bind ng mga sulfhydryl group ay posibleng mag-inactivate ng mga protein na kabilang sa pagsasaayos ng DNA, na maaaring magdulot ng mga mutation. Kailangan pang higit na suriin ang katibayan sa laboratoryo para sa acrylamide bilang sangkap na nagdudulot ng kanser (Exon). Ipinakita ng ilang pag-aaral sa hayop na nakakadulot ng kanser ang pagkakalantad sa matataas na antas ng acrylamide (FDA).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 2A (Posibleng carcinogenic sa mga tao)

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Para sa karamihan ng mga tao, ang pangunahing pinanggagalingan ng acrylamide na makakaharap nila ay ang usok ng sigarilyo. Mababawasan ng pag-iwas sa usok ng sigarilyo ang iyong pagkalantad sa acrylamide at ibang nakakasamang kemikal (NCI). Sa pagkain, malaki ang pagkakaiba ng antas ng acrylamide depende sa tagal ng pagluluto, manufacturer, paraan, at temperatura ng proseso ng pagluluto. Posibleng mabawasan ang mga antas ng acrylamide sa ilang pagkain sa pamamagitan ng pagpapaikli ng tagal ng pagluto, pag-iwas sa labis na pagpapalutong (crisping) o pagluto ng pagkain hanggang maging brown ang mga ito, pag-blanch sa mga patatas bago iprito ang mga ito, hindi paglagay ng mga patatas sa refrigerator, at pagpapatuyo ng mga patatas sa oven na may mainit na hangin pagkatapos iprito ang mga ito.FDA).

  • Hindi pa malinaw kung pinapataas ng mga antas ng acrylamide sa pagkain ang panganib na magkaroon ng kanser, pero may ilang pag-iingat na magagawa mo para mabawasan ang iyong pagkalantad sa acrylamide (ACS):
  • Limitahan ang mga pagkain na maaaring mataas sa acrylamide: french fries, potato chips, cookies, at toast.
  • Limitahan ang pagprito at pag-roaast (hindi nagbubuo ng acrylamide ang pagpapakulo at pag-steam)
  • Ibabad ang mga hilaw na hiniwang patatas sa tubig nang 15-30 minuto bago iprito o i-roast ang mga ito
  • Iluto ang mga patatas at tinapay hanggang sa maging mas mapusyaw ang kulay ng mga ito
  • Iwasang magtabi ng mga patatas sa refrigerator

Ang dapat tandaan

Kailangan ng higit pang pananaliksik para kumpirmahin kung nagdudulot ang acrylamide ng kanser sa mga tao.

Food and Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): Acrylamide
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Acrylamide and cancer risk (Acrylamide at panganib na magkarooon ng kanser)
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Acrylamide and cancer (Acrylamide at kanser)
A review of the toxicology of Acrylamide (Exon) (Pag-aaral ng toxicology ng Acrylamide)

Petsa

Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022