Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

May mga kemikal ang ilang kosmetiko na nagdudulot ng kanser

Ang maaaring narinig mo

Madalas na tinatalakay sa media ang mga kosmetiko at mga sangkap ng mga ito bilang nauugnay sa kanser.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Tinutukoy ng FDA ang mga kosmetiko bilang “mga gamit na nilalayong ipahid, ibuhos, iwisik, o i-spray, ilagay, o ilapat sa katawan ng tao sa ibang paraan… para sa paglilinis, pagpapaganda, paghimok ng pagiging kaaya-aya, o pagbabago ng hitsura” (FDA). Kabilang dito ang malawak na saklaw ng mga produkto, mula sa mga moisturizer hanggang mga sabon at nail polish.

Natukoy bilang nakakalason ang ilang sangkap sa mga kosmetiko (halimbawa, ilang dye sa buhok). Rutinang sinusubukan ang mga sangkap sa mga kosmetiko para sa mga panandaliang problema sa kalusugan, tulad ng iritasyon ng balat at mata at mga reaksyon dahil sa allergy. Iniaatas ng FDA na dapat ligtas ang mga kosmetiko para sa mga mamimili, pero wala itong kapangyarihan para iatas sa mga kompanya na subukan ang mga kosmetikong produkto bago ilabas ang mga ito sa merkado (FDA). Nagiging malinaw ang mga panandaliang epekto kapag inilabas na sa merkado ang produkto, at puwedeng hilingin ng FDA na i-recall ng kompanya ang produkto.

Gayunpaman, madalang subukan ang mga kosmetiko para sa mga pangmatagalang epekto sa kalusugan. Bilang resulta, minsan ay hindi alam kung nagdudulot ang sangkap ng mga problema sa kalusugan nang nag-iisa o kapag hinalo ito sa mga kosmetikong produkto. Maaaring magtagal ng maraming taon o kahit ilang dekada pagkatapos ng pagkalantad sa carcinogen para mabuo ang kanser (FDA). Hindi palaging makakagawa ang mga mananaliksik ng mga pag-aaral na nagtatagal nang ganito katagal para sa mga partikular na produkto. Kahit na gawin iyon, hindi karaniwang sinusubukan ng mga mananaliksik ang bawat kombinasyon at dosis ng mga kosmetikong produkto para makapagtatag ng sanhi ng kanser. Madalas ding nagbabago ang mga sangkap at kombinasyon.

Epidemiological na Katibayan

Hindi pa rin malinaw kung pinapataas ng mga sangkap sa mga kosmetiko ang panganib para sa kanser, dahil hindi pa masinsinang nasusubukan ang karamihan ng mga sangkap at kombinasyon ng mga sangkap sa mga kosmetiko sa mga epidemiological na pag-aaral na may mabuting disenyo. Bahagyang nililimitahan ng kawalan ng kakayahang tumpak na masuri o masukat kung aling mga kosmetikong produkto ang ginamit ang larangan ng pananaliksik na ito.

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Marami (pero hindi lahat) ng sangkap sa kosmetiko ay nasubukan sa mga hayop para sa mga panandaliang resulta sa kalusugan. Kailangan din ng karagdagang pananaliksik para matukoy ang mga epekto ng ilang sangkap sa panganib na magkaroon ng kanser.

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Maraming puwang sa pananaliksik, kabilang ang kung paano pumapasok at namumuo sa katawan ang mga kosmetiko. Inaatas ng FDA na ang mga produktong hindi pa nasusubukan ay magkaroon ng label na “Warning—The safety of this product has not yet been determined (Babala—Hindi pa natutukoy ang kaligtasan ng produktong ito)” (FDA). Kung gusto mong mabawasan ang posibleng panganib sa iyo, magbantay para sa mga babalang ito. Puwede mong piliing iwasan ang mga produktong may ilang partikular na sangkap, bawasan ang dami ng kosmetikong ginagamit mo, o ganap na iwasan ang paggamit ng mga kosmetiko. May ilang website na makakatulong na magbigay sa iyo ng kaalaman para makapagdesisyon ka tungkol sa mga kosmetiko. Halimbawa, inililista ng ilang website ang mga kosmetikong kilala na may mga nakasasamang sangkap (tulad ng California Safe Cosmetics Program) o mga kosmetikong may mga ligtas na sangkap (tulad ng Skin Deep and Clearya). Maraming tip ang smartphone app na Detox Me para matulungan kang pumili ng mas ligtas na mga produkto.

Ang dapat tandaan

Ipinapakita ng pananaliksik na nauugnay ang ilang partikular na dye ng buhok sa kanser, at maaaring may mga carcinogenic na kemikal ang ibang kosmetikong produkto. May mga hindi siguradong bahagi dahil sa kakulangan sa pagsubok para sa pagiging carcinogenic ng mga kompanya at nangangasiwang ahensya, at dahil sa kawalan ng impormasyon tungkol sa mga kemikal na epekto ng mga produkto (halimbawa, paggambala sa endocrine) na maaaring nauugnay sa kanser. Dapat lang gamitin ang mga kosmetikong produkto ayon sa nakalagay sa label.

American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Cosmetics (Mga Kosmetiko)
Food & Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): Cosmetics (Mga Kosmetiko)
California Safe Cosmetics Program: Listahan ng lahat ng kosmetikong produktong ibinebenta sa California na naglalaman ng anumang sangkap na kilala o pinaghihinalaang nagdudulot ng kanser, mga depekto sa kapanganakan, o reproduktibong pinsala.
Skin Deep: Website na ginawa ng Environmental Working Group (isang advocacy group para sa kalikasan at pampublikong kalusugan) na nagbibigay-daan sa mga mamimili na maghanap ng mga produkto kung saan interesado sila.

Petsa

Inilathala: Hunyo 24, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022