Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Maaaring magdulot ng kanser ang pagsindi ng mga pinabangong kandila sa loob

Ang maaaring narinig mo

Naglalabas ng mga kemikal na nagdudulot ng kanser ang pagsindi ng mga pinabangong kandila

Ang sinasabi ng agham sa atin

Ang pagsindi ng mga pinabangong kandila ay maaaring humantong sa mga pagkalantad na nagdudulot ng kanser sa pamamagitan ng wax at mga mitsa. Gawa sa paraffin ang ilang pang-aromatherapy na kandila, na isang byproduct ng petroleum na naglalabas ng carcinogenic na soot (parang uling na alikabok) kapag nasindihan ito (Green America). Kapag mataas ang mga antas ng pagkalantad, puwede ring magdulot o magpalubha ang soot na ito ng mga problema sa baga at puwede rin nitong masira ang loob ng bahay mo (halimbawa, mga computer, elektronikong appliance, mga tubo) Nahahanap din sa mga tahanan na regular na nagsisindi ng mga pinabangong kandila ang mga nakakapinsalang dami ng ibang pollutant na maaaring mahanap sa mga pinabangong kandila (halimbawa, formaldehyde, carbon dioxide, carbon monoxide, particulate matter, at mga volatile organic compound [VOC]) (Adamowicz et al.).

Dagdag pa, posibleng may mga mitsang lead ang core ang mga kandilang ginawa bago ang 2003. Naglalabas ang mga mitsang lead ang core ng limang beses na mas maraming lead sa dami na itinuturing na nakakapinsala sa mga bata at nalalampasan nito ang mga pamantayan para sa polusyon sa panlabas na hangin ng EPA (Green America). Walang dami ng lead ang ligtas para sa mga tao at naiugnay ang mataas na pagkalantad sa lead sa pagkaantala sa hormone, mga problema sa pag-uugali, mga problema sa pag-aaral, at marami pang ibang problema sa kalusugan (CDC), kasama ang kanser.

Epidemiological na Katibayan

May limitadong epidemiological na katibayan tungkol sa pagkalantad sa mga pinabangong kandila at panganib na magkaroon ng kanser.

Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan

Ipinakita ng katibayan sa laboratoryo na hindi dapat mag-alala tungkol sa mga kandila mismo. Natuklasan ng isang pag-aaral nong 2007 na ang mga kemikal na bumubuo sa mga kandila ay sapat na mas mababa sa threshold na dami para magdulot ng mga problema sa kalusugan (AECM). Gayunpaman, naglalabas ng mga volatile organic compound (VOC) sa hangin ang pagsindi ng mga kandila, na posibleng nakakapinsala. Ipinakita ng isang pag-aaral sa laboratoryo noong 2014 na ang dami ng VOC na inilalabas dahil sa pagsindi ng mga kandila ay napakababa, at hindi sapat para makapinsala sa kalusugan ng tao (Petry et al.).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Maraming hindi nakakalason na alternatibo sa kandila: walang nakakalasong kemikal ang mga 100% beeswax na kandila na may mga bulak na mitsa, pati mga kandila na gawa mula sa 100% vegetable-based o soy na wax (Green America). Para mabawasan ang soot, i-trim ang mga mitsa sa ⅛ pulgada, anuman ang uri ng kandila. Ang walang kandila na aromatherapy ay isa pang paraan para maglabas ng mga mabangong amoy nang walang nakakapinsalang byproduct. Ang mga essential oil ay hindi nakakalason at maipapakalat ang amoy sa pamamagitan ng diffuser, ring burner, o mainit na bath.

Ang dapat tandaan

Hindi malamang na magkaroon ng mga carcinogenic na epekto ang madalang na paggamit ng mga pinabangong kandila, pero posibleng pataasin ng madalas na pagsindi ng ilang hindi vegetable o hindi soy-based na pinabangong kandila ang panganib na magkaroon ng kanser. Pumili ng mga hindi nakakalasong alternatibo kapag bumibili ng mga pinabangong kandila.

Green America: Toxic candles (Mga nakakalasong kandila)
Adamowicz et al. Scented Candles as an Unrecognized Factor that Increases the Risk of Bladder Cancer; Is There Enough Evidence to Raise a Red Flag?
Snopes: Scented candles and cancer (Mga pinabangong kandila at kanser)
Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit): Lead

Petsa

Inilathala: Hunyo 29, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022