Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagpapataas ng panganib na magkaroon ng kanser ang pagkain mula sa na-microwave na plastik
Ang maaaring narinig mo
Ang pagpapainit ng plastik sa microwave o pagpapayelo ng plastik ay naglalabas ng iba’t ibang nakakapinsalang kemikal na maaaring magdulot ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Madalas na nilalabanan ng pagpapayelo ang paglabas ng mga kemikal. Ipinahayag ng Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health na “Hindi gaanong kumakalat nang mabilis ang mga kemikal sa malalamig na temperatura, na maglilimita sa paglabas ng kemikal” (LAT). Ibig sabihin nito na ang pagpapayelo ng anumang uri ng plastik ay hindi naghaharap ng panganib na magkaroon ng kanser.
Mahahanap ang diethylhexyl adipate (DEHA) sa ilang plastik at maaaring lumabas ito kapag ininit ang lalagyan (LAT). Maaaring mapunta sa pagkain ang mga sangkap na ginagamit sa proseso ng pagmamanupaktura ng mga plastik, tulad ng DEHA, sa oras ng proseso ng pag-init. Ngunit may mga mahigpit na regulasyon ang FDA para sa mga plastik na lalagyang may label na “microwave safe (ligtas para gamitin sa microwave)” (FDA).
Epidemiological na Katibayan
Gayunpan, sinabi ng Environmental Protection Agency (Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran) na ang DEHA ay “hindi makatuwirang maaasahang magdulot ng kanser; immunotoxicity; pag-mutate ng gene; pagkalason ng atay, bato, o sa reproductive o developmental na sistema; o ibang pangmatagalang epekto sa kalusugan na malubha o hindi maibabaliktad” (Fillon et al.).
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Walang katibayan sa laboratoryo na pinapataas ng pag-microwave o pagpapayelo ng mga plastik ang panganib na magkaroon ka ng kanser.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 3 (Hindi maklasipika pagdating sa pagiging carcinogenic nito sa mga tao: Di(2-ethylhexyl) adipate)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Ang pinakamainam na paraan para mabawasan ang panganib sa iyo ay ang pag-microwave ng pagkain sa heat-resistant na glass o mga ceramic na naka-label bilang microwave safe.
Ang dapat tandaan
Hindi tiyak na naipakitang carcinogenic (nagdudulot ng kanser) ang mga antas ng DEHA na mahahanap sa mga plastik. Gayunpaman, iba-iba ang mga kemikal sa mga plastik na kagamitan sa pagkain (kutsara, tinidor, atbp.), at posibleng may mahanap ang mga nagpapatuloy na pananaliksik na mga kaugnayan sa pagitan ng mga partikular na kemikal at kanser.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Food & Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): 5 tips for safe microwave oven use (5 tip para sa ligtas na paggamit ng microwave oven)
American Society of Clinical Oncology: Microwaves and cancer (Mga microwave at kanser)
World Health Organization (WHO): Microwave ovens
Fillon et al.: BPA and the Difficulty of Proving Environmental Cancer Risks
Los Angeles Times: Heat’s on Plastic Containers (Pag-init sa Mga Plastic na Lalagyan)
Petsa
Inilathala: Enero 26, 2022
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022