Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang paggamit ng cell phone
Ang maaaring narinig mo
Ang pagpapanatili ng iyong cell phone nang malapit sa iyong katawan o ulo ay maaaring magpataas ng iyong panganib na magkaroon ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Naglalabas ang mga cell phone ng mga RF (Radiofrequency) wave, na isang anyo ng non-ionizing radiation. Ibig sabihin nitong wala silang sapat na enerhiya para direktang mapinsala ang DNA sa loob ng mga selula at magdulot ng kanser (ACS, NCI). Kapag mas malapit na hinahawakan ang cell phone sa katawan, mas malaki ang inaasahang pagkalantad sa mga RF wave. Maraming ibang salik ang nakakaapekto sa dami ng enerhiya kung saan nalalantad ang isang tao, tulad ng:
- Tagal ng oras na nasa telepono ang isang tao at ang lapit ng cell phone sa katawan ng gumagamit (hal., sa ulo).
- Layo at daan patungo sa pinakamalapit na cell tower: kapag mas malayo mula sa pinakamalapit na cell tower, mas maraming enerhiya ang kailangan para panatilihin ang signal
- Dami ng cell traffic sa isang lugar sa isang pagkakataon: kapag mas maraming traffic, mas maraming enerhiya ang kailangan para panatilihin ang signal
- Modelo ng ginagamit na cell phone
Epidemiological na Katibayan
Maraming pag-aaral na ang sumuri kung may ugnayan sa pagitan ng paggamit ng cell phone at kanser; gayunpaman, hindi tiyak ang mga resulta (NCI). Itinuturing ng karamihan ng mga pandaigdigang organisasyon ang paggamit ng cell phone bilang posibleng panganib sa kanser, sa isang panig. Para sa iba, walang sapat na katibayan para magkomento.
Katibayan sa Laboratoryo
Sa kasalukuyan, walang katibayan sa laboratoryong nag-uugnay sa paggamit ng cell phone sa pagtaas ng panganib na magkaroon ng kanser.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 3 (Hindi maklasipika pagdating sa pagiging carcinogenic nito sa mga tao: Mga radio-frequency electromagnetic field).
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Hindi malinaw kung ang pagbawas sa oras na inilalaan sa cell phone (ACS), paggamit ng speaker mode o device na hindi kailangan hawakan, o pag-text sa halip na pakikipag-usap sa cell phone ay magbabawas sa panganib na magkaroon ng kanser. Kahit na hindi tiyak ang mga pag-aaral, ang pagbawas sa iyong pagkalantad sa mga RF wave ay magbabawas sa pagkakataong tumataas din ang panganib na magkaroon ka ng kanser.
Ang dapat tandaan
Walang sapat na enerhiya ang mga RF wave na ginagamit sa mga cell phone para masira ang DNA, kaya hindi malamang na magdulot ng kanser ang mekanismong ito. Gayunpaman, walang sapat na katibayan para matiyak ang ugnayan sa pagitan ng panganib sa kanser at paggamit ng cell phone.
Matuto Pa Mula sa Aming Mga Pinagkakatiwalaang Sanggunian
Berkeley Public Health: Cell phone radiation (Radiation mula sa cell phone)
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Cell phones (Mga cell phone)
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Cell Phones and cancer (Mga Cell Phone at kanser)
Petsa
Inilathala: Hulyo 12, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022