Mga tool para tulungan kang magpasiya kung anong totoo at hindi
Available ang impormasyon tungkol sa kanser mula sa maraming sanggunian. Paano ka magpapasiya kung anong totoo at hindi? Kadalasang mahirap malaman kung aling impormasyon ang tumpak, at kung aling mga sanggunian ng impormasyon ang mapagkakatiwalaan. Narito ang ilang tool na ginagamit namin para magpasiya kung mapagkakatiwalaan ang impormasyong nahanap namin.
Pagtatasa ng impormasyon online
Mahalaga at madaling ma-access na mga sanggunian para sa marami sa atin ang social media at ibang sanggunian sa internet para makahanap ng mga sagot sa mga tanong natin. Ang sumusunod ay buod ng mga benepisyo at desbentaha ng paggamit ng internet para sa impormasyong pangkalusugan:
Paggawa ng sariling mong pag-fact check
Paano mo mapipili kung alin ang tumpak at mapagkakatiwalaan sa napakamaraming impormasyon na mayroon? Ito ang ilang hakbang na dapat isaalang-alang:
Huwag lang pamagat ang basahin: Basahin ang buong artikulo para malaman kung ano ang talagang sinasabi ng artikulo. Huwag maniwala sa mga madrama at nakakagulat na pamagat.
Tingnan ang:
Sino ang nagsulat nito?
Ano ang mga kredensyal at reputasyon ng may-akda? Anong ibang trabaho ang ginagawa nila? Sino ang nagbabayad sa kanila? May sinusubukan ba silang ibenta?
Sino ang naglathala nito?
Kilala at mapagkakatiwalaan ba ang sponsor ng impormasyon? Galing ba sa kompanyang pangkalakal (for-profit) ang impormasyon? (Tumingin ng listahan ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian)
Katotohanan ba ito o opinyon?
May lehitimong pagkadalubhasa ba ang may-akda sa larangang iyon at nagpapakita ba siya ng data, o nakasentro ba sa mga opinyon ang artikulo? Mga mapagkakatiwalaang sanggunian ba ang sina-cite? (Tumingin ng listahan ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian)
Gaano kabago ang artikulo?
Maaaring luma ang impormasyon ng mga mas lumang artikulo. Kung hindi ka sigurado, maghanap ng mga mas bagong artikulo.
Scam ba ito?
Dinadala ka ba ng impormasyon sa website ng ikatlong partido? Hinihiling ka ba nilang bumili ng kahit ano o magbigay ng personal na impormasyon? May sponsor na post o ad ba ito?
Mag-double check: Beripikahin ang sinasabi ng artikulo sa pamamagitan ng ikalawang hiwalay na mapagkakatiwalaang sanggunian ng impormasyon. (Tumingin ng listahan ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian)
Estilo ng pagsusulat: Dapat ay walang pagkakamali sa gramatika o pagbabaybay. Dapat ay malinaw ang estilo ng pagsusulat at propesyonal na na-edit ito.
Ang CARE checklist
Ang CARE checklist ay isa pang paraan para malaman kung aling mga sanggunian ang mapagkakatiwalaan at hindi:
Gumamit ng CARE kapag tumitingin ng impormasyon: