Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Nagdudulot ng kanser ang formaldehyde

Ang maaaring narinig mo

Nakakapagdudulot ng kanser ang pagkalantad sa formaldehyde.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Ang formaldehyde ay walang kulay, maaaring lumiyab, at walang amoy na kemikal na ginagamit sa mga materyales para sa konstruksyon at paggawa ng maraming produkto para sa tahanan. Ginagamit ito sa mga pressed-wood na produkto (tulad ng plywood at fiberboard), glue, pandikit, permanent-pressed na tela, coating sa mga produktong papel, pang-insulate, pampatay ng fungus, pampatay ng germ, disinfectant, at preservative sa mga punerarya at medikal na laboratoryo. Pangunahing nagaganap ang pagkalantad sa formaldehyde sa pamamagitan ng paghinga ng gas o pagpasok ng formaldehyde sa katawan sa pamamagitan ng balat. Ang mga pansamantalang epekto ng pagkalantad ay matubig na mata; nasusunog na pakiramdam sa mata, ilong, at lalamunan; pag-ubo; wheezing (pagkahingal); pagduduwal; at iritasyon sa balat. Ang mga pang-industriyang manggagawa na gumagawa ng formaldehyde o mga produktong may formaldehyde, technician sa laboratoryo, propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, at empleyado sa punerarya ay maaaring malantad sa mas matataas na antas ng formaldehyde kaysa sa pangkalahatang publiko.

Epidemiological na Katibayan

Nauggnay ang myeloid leukemia at mga kanser sa paranasal sinus, nasal cavity, at nasopharynx sa paggamit ng formaldehyde(NCI). Nalalantad ang pangkalahatang populasyon sa formaldehyde mula sa usok mula sa tambutso ng kotse, mga pressed-wood na produkto sa tahanan, usok ng sigarilyo, mga appliance na nagsusunog ng sangkap na walang bentilasyon (tulad ng mga kalang gumagamit ng gas, kalang nagsusunog ng kahoy, at kerosene heater) (ACS).

Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan

Ipinapaliwanag ng mga pag-aaral na isinagawa sa mga daga kung paano nagdudulot ng leukemia at kanser sa ilong ang paghinga ng formaldehyde. Isa pang pag-aaral sa mga daga ang sumuri sa pagkain/pag-inom ng formaldehyde na nagresulta rin sa pagkakaroon ng kanser sa tiyan (ACS).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (Carcinogenic sa mga tao)

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Nagtatag ang Occupational Safety and Health Administration (OSHA o Pambansang Institusyon para sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho) ng pederal na pamantayan na nagbawas ng dami ng formaldehyde kung saan puwedeng malantad ang mga manggagawa sa loob ng araw ng trabaho na 8 oras mula 1 part-per-million (ppm) sa 0.75 ppm (NCI). Inirerekomenda ng Environmental Protection Agency (EPA o Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran) ang paggamit ng mga “exterior-grade” na pressed-wood na produkto para malimitahan ang pagkalantad sa formaldehyde sa tahanan. Mababawasan din ang mga antas ng formaldehyde sa pamamagitan ng pagtiyak na may sapat na bentilasyon, katamtamang temperatura, at mas mababang antas ng tubig sa hangin (NCI). Maaaring may formaldehyde ang pag-vape/e-cigarette, kaya maaaring mabawasan ang panganib na magkaroon ng kanser sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkalantad na ito.

Ang dapat tandaan

Kilalang carcinogen sa tao ang formaldehyde. Dapat bawasan o ganap na iwasan ang pagkalantad sa formaldehyde kung maaari.

American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Known and probable human carcinogens (Mga kilala at posibleng carcinogen sa tao)
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Formaldehyde and cancer (Formaldehyde at kanser)
National Cancer Institute (NCI): Formaldehyde

Petsa

Inilathala: Hunyo 30, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022