Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Pinapataas ng kakulangan ng tulog ang panganib na magkaroon ka ng kanser.

Ang maaaring narinig mo

Ang nagambalang cycle ng pagtulog ay nagbabawas sa kakayahan ng ating katawan na gumana nang maayos at pinapahina nito ang kakayahan ng katawang labanan ang kanser (Shafi et al.).

Ang sinasabi ng agham sa atin

Sinasabi ng World Health Organization (WHO o Pandaigdigang Organisasyong Pangkalusugan) na kahit ang paggambala sa circadian rhythm lang ay salik sa panganib na magkaroon ng kanser.

Ang “paggambala sa circadian rhythm” ay tinutukoy bilang anumang pagbabago sa pattern ng pagtulog, kawalan man ito ng tulog, kahirapang makatulog, o paggising sa gitna ng cycle ng pagtulog. Mahahanap sa utak ang sentral na orasan ng katawan at pangunahing galing sa ilaw ang mga senyas na natatanggap nito. Sinasabi ng pagkakaroon ng ilaw sa mga katawan natin kung oras na para magising, maging alerto, at magutom. Naka-set ang orasan ng katawan sa 24 na oras na cycle (batay sa dami ng ilaw na nababatid nito) at sumusunod ang bawat sistema ng organ. Kinokontrol ng ating circadian rhythm kung kailan tayo gumigising, ang ating gutom, temperatura ng katawan, at pakiramdam.

Epidemiological na Katibayan

Posibleng mas mataas ang panganib na magkaroon ng mga kanser sa prostate, suso, colon, atay, pancreas, ovary, at baga ng mga taong nakakaranas ng jet lag, bumibiyahe sa iba’t ibang time zone, nagtatrabaho sa iba’t ibang shift, nagagambala ang pagtulog, o nalalantad sa ilaw sa gabi. (Shafi et al.). Sinasabi ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser), na nagkakategorya ng mga salik sa panganib para magka-kanser mula sa nagdudulot ng kanser (carcinogenic) hanggang sa hindi carcinogenic sa mga tao, na ang pagtatrabaho sa night shift mismo ay malamang na carcinogenic sa mga tao (IARC).

Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan

Ginamit na ang ilang modelong hayop sa mga eksperimento sa laboratoryo para suriin ang ugnayan sa pagitan ng kawalan ng tulog at antas ng kanser. Sinusuportahan din ng mga resulta ang mga konklusyon ng mga pag-aaral sa tao: na may mga kumplikadong epekto sa biology ng kanser ang kawalan ng tulog(Yaacoby-Bianu Hakim).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Kadalasang nagkakasabay ang pagkagambala sa tulog at ibang salik sa panganib na magka-kanser, tulad ng mga nagdudulot ng stress sa trabaho o lipunan/buhay, paninigarilyo, pag-inom ng maraming alak, hindi masustansiyang diyeta, kaunting pisikal na aktibidad, at pagkakaroon ng labis na timbang. Ang pagbawas sa mga stressor na ito ay maaaring pababain ang panganib na magkaroon ka ng kanser.

Inirerekomenda ng Centers for Disease Control (CDC o Mga Sentro para sa Pagkontrol sa Sakit) ang mga regular na pag-check up sa kalusugan at pagsabi sa iyong doktor kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod na sintomas: malubhang fatigue (pagod) o antok kapag kailangan mong maging gising, problema sa pagtulog o sa iyong tiyan, pagiging iritable, hindi mabuting pagganap sa trabaho (madalas na pagkakamali, pinsala, atbp.) o hindi maipaliwanag na pagdagdag o pagbawas ng timbang (CDC). Dagdag pa, subukan ang mga pag-uugaling mabuti para sa kalusugan upang malabanan ang mga epekto ng pagkagambala sa circadian rhythm: subukang magkaroon ng sapat na tulog, kumain ng masustansiyang diyeta, regular na mag-ehersisyo, iwasan ang tabako, at limitahan ang pag-inom ng alak (CDC).

May iba’t ibang sanggunian na partikular sa trabaho ang National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH o Pambansang Institusyon para sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho) para matulungan ang mga employer at manggagawa na mas makayanan ang pagtrabaho sa mga shift at matagal na oras ng trabaho (NIOSH).

Ang dapat tandaan

Malaki ang pagkagambala sa circadian rhythm para sa mga taong nakakaranas ng jet lag, bumibiyahe sa iba’t ibang time zone, nagtatrabaho sa iba’t ibang shift, nagagambala ang pagtulog, o nalalantad sa ilaw sa gabi. Posibleng mas mataas ang panganib na magkaroon ng mga kanser sa prostate, suso, colon, atay, pancreas, ovary, at baga para sa populasyong ito (Shafi et al.). Mahalagang makipag-usap sa provider na pangkalusugan kung nakakaranas ka ng pagkagambala sa pagtulog at gusto mo ng mga sanggunian para pabutihin ang kalidad ng iyong tulog.

National Toxicology Program (NTP o Pambansang Programa sa Toxicology): Circadian disruption and cancer (Pagkagambala sa circadian at kanser)
International Agency for Research on Cancer (IARC): Shift work and cancer (Pagtatrabaho sa shift at kanser)
Shafi et al.: Cancer and the Circadian Clock
Dana-Farber: Circadian rhythms and cancer
National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH o Pambansang Institusyon para sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho): Work and fatigue (Trabaho at Pagkapagod)
Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit): Night shift workers and cancer (Mga manggagawa sa panggabing shift at kanser)
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Sleep problems (Mga problema sa pagtulog)

Petsa

Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022