Mga link sa mga mapagkakatiwalaang magpagkukunan ng impormasyon tungkolsa kanser online
Kahit na maraming maling impormasyon sa internet, may mga mapagkakatiwalaang sanggunian ng impormasyon tungkol sa kanser na mapapaniwalaan mo. Narito ang ilan sa mga paborito namin:
American Cancer Society (Kapisanan sa Kanser ng Amerika)
Centers for Disease Control and Prevention (Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit)
American Associated for Cancer Research (Kapisanan para sa Pananaliksik sa Kanser ng Amerika)
American Institute for Cancer Research (Institusyon para sa Pananaliksik sa Kanser ng Amerika)
Cancer Research UK (Pananaliksik sa Kanser UK)
Dana-Farber Cancer Institute (Institusyon sa Kanser ng Dana-Farber)
International Agency for Research on Cancer (Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser)
National Cancer Institute (Pambansang Institusyon para sa Kanser)
Union for International Cancer Control (Unyon para sa Pambansang Pagkontrol sa Kanser)
World Cancer Research Fund (Pandaigdigang Pondo para sa Pananaliksik sa Kanser)
Mga pagkalantad, trabaho, at ibang salik na nauugnay sa kanser
Tinutukoy ng International Agency for Research on Cancer (IARC o Pandaigdigang Ahensiya para sa Pananaliksik sa Kanser) kung ang mga pagkalantad, compound, nutrient, trabaho, at ibang pagkalantad ay malamang na magdudulot ng kanser. Hinahati nito ang mga pagkalantad na posibleng nagdudulot ng kanser sa mga grupo batay sa lakas ng siyentipikong katibayan.
Iba ang sistema ng pag-rate ng IARC sa kung anong ipinapakita sa Cancer FactFinder dahil isinasaalang-alang nito ang siyentipikong pagsusuri ng mga partikular na pagkalantad at trabaho, habang nagtutuon ang FactFinder sa mas kaunting paksa kung saan maaaring interesado ang publiko, kasama ang mga paksang posibleng may maling impormasyon.
Maaaring mahirap maunawaaan ang impormasyong ibinibigay ng IARC para sa pangkalahatang publiko, pero kinakatawan nito ang pinakamabuting katibayang available tungkol sa kung nauugnay sa kanser o hindi ang isang salik sa panganib. Wala sa FactFinder ang karamihan ng mga paksang pinag-aaralan ng IARC.
Kung nalantad ka sa anumang nasa listahan ng IARC na malamang na magdudulot ng kanser, hindi nito ibig sabihin na magkakaroon ka ng kanser. Ibig sabihin lang nito na may katibayang posibleng mas mataas ang panganib mo na magkaroon ng kanser, na hindi kami sigurado kung nagdudulot ng kanser ang pagkalantad, at na malamang na mas maraming kanser na makikita sa mga populasyong nalalantad. Walang kategorya ang IARC para sa “tiyak na hindi nagdudulot ng kanser,” pero binabanggit ng ahensiya kapag nagkaroon nang maraming pag-aaral tungkol sa kemikal at walang nahanap na katibayan na nagdudulot ito ng kanser.
Kadalasang iniisip na nagdudulot ang mga pagkalantad ng isa o higit pang partikular na uri ng kanser. Halimbawa, walang duda na nakakadulot ng kanser sa baga ang paninigarilyo, kaya nakalista ang paninigarilyo ng tabako sa “Group 1” bilang “carcinogenic sa mga tao.”
Ang ilang bagay sa listahan ay mga pagkalantad na naranasan na nating lahat: Halimbawa, kilala ang pagkalantad sa araw bilang nagdudulot ng kanser sa balat at inilista ito ng IARC sa Group 1. Gayunpaman, posibleng may mga benepisyo ang kaunting pagkalantad sa araw (tulad ng pagkuha ng sapat na bitamina D), at may mga benepisyo sa kalusugan din ang pananatili sa ilalim ng araw para sa pag-ehersisyo. Sa gayon, hindi mga alituntunin ang mga paggrupo ng IARC: Hindi nito sinasabi sa atin kung o kailan maaaring OK ang kaunting limitadong pagkalantad sa mga bagay sa listahan, o kung paano gabayan ang ating mga desisyon na paghambingin ang mga panganib at benepisyo mula sa pagkalantad.