Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Binabawasan ng curcumin (turmeric) ang panganib ng kanser
Ang maaaring narinig mo
Sinasabing may mga katangiang lumalaban sa lason, virus, bakterya, at pamamaga ang curcumin. Isa sa mga bagong larangang inaaral tungkol sa curcumin ang mga katangian nitong posibleng lumalaban sa kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Nakatanggap ng pansin ang curcumin (ang bahagi ng turmeric na nagbibigay ng matingkad na kulay dito) sa media bilang posibleng terapiya laban sa kanser.
Epidemiological na Katibayan
Nasa maaagang yugto pa ang pag-aaral ng mga curcumin sa tao, kaya kailangan ng higit pang pananaliksik bago kami magkaroon ng masasabi tungkol sa ugnayan sa pagitan ng curcumin at kanser.
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Partikular na tina-target ng curcumin ang mga daanan para sa pagsensyas sa selula na kabilang sa pagbuo at paglaki ng kanser, kaya maaaring pinapababa nito ang panganib na magkaroon ng kanser (Giordano et al.). Iminumungkahi ng mga pag-aaral sa mga hayop sa laboratoryo na maaaring mapigilan ng curcumin ang kanser, pabagalin nito ang pagkalat ng kanser, gawing mas mabisa nito ang chemotherapy, at protektahan nito ang malulusog na selula mula sa pinsala sa pamamagitan ng terapiya sa radiation.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Hindi alam kung nababasawan ng pagkain ng mga produktong may curcumin, tulad ng turmeric, ang pagkakataong magkaroon ka ng kanser. Mabuting paraan para mabawasan ang panganib na magkaroon ng kanser ang pagkain ng masustansiya at balanseng diyeta at pagkakaroon ng naaangkop na dami ng pisikal na atkibidad.
Ang dapat tandaan
Maraming mahalagang function sa katawan ang curcumin at turmeric, at iminumungkahi ng mga pag-aaral sa laboratoryo na maaaring nakakatulong itong mapigilan ang kanser sa mga hayop sa laboratoryo. Nasa maaagang yugto pa ang pag-aaral ng mga curcumin sa tao, kaya kailangan ng higit pang pananaliksik bago kami magkaroon ng masasabi tungkol sa ugnayan sa pagitan ng curcumin at kanser.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
An Oasis of Healing: Curcumin and cancer (Oasis ng Paggaling: Curcumin at kanser)
Giordano et al.: Curcumin and cancer (Curcumin at kanser)
Mayo Clinic: Curcumin and cancer (Curcumin at kanser)
Petsa
Hulyo 7, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022