Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Nagdudulot ng kanser ang pagkain ng mga hazelnut spread na may palm oil
Ang maaaring narinig mo
Ang mga produktong may palm oil, lalo na ang mga hazelnut spread, ay isa sa mga pinakakamakailang pagkain na na-flag bilang posibleng carcinogenic (nagdudulot ng kanser).
Ang sinasabi ng agham sa atin
Ang mga produktong may palm oil, na maaaring may 3-Monochloropropane-1,2-diol esters (3-MCPD) at glycidyl esters (GE), ay na-flag bilang posibleng carcinogenic ngunit kapag ininit lang sa 392 degrees Fahrenheit (FDA). Iniulat ng mga manufacturer na ang mga hazelnut spread na may brand ay pinoproseso nang mas mababa sa 392 degrees. Bilang resulta, ipinahayag ng U.S. Food and Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot) na hindi nagdadala ng panganib na magkaroon ng kanser ang mga ito (FDA).
Epidemiological na Katibayan
Nagsagawa ng mga epidemiological na katibayan para suriin kung may ugnayan sa pagitan ng palm oil at kanser. Sa kasalukuyan, walang katibayan sa mga pag-aaral sa tao na pinapataas ng pagkain ng hazelnut spread o palm oil ang panganib na magkaroon ng kanser.
Katibayan sa Laboratoryo/Pansuportang Katibayan
Nagsagawa rin ng mga pag-aaral sa hayop para masuri kung nagdudulot ng kanser ang palm oil. Iminumungkahi ng ilang pag-aaral na nagdudulot ng kanser ang palm oil kung nainit ito sa sapat na mataas na temperatura.
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Mataas sa saturated na taba ang mga hazelnut spread dahil sa idinagdag na palm oil. Ipinapataas ng mga saturated na taba ang antas ng kolesterol sa dugo, na nagpapataas sa iyong panganib na magkaroon ng sakit sa puso at stroke. (AHA). Maaaring humantong sa labis na katabaan ang pagkain ng masyadong maraming taba, na nagpapataas din ito sa panganib na magkaroon ng sakit sa puso, stroke, diyabetis, at ilang kanser .
Ang dapat tandaan
Walang anumang kilalang carcinogenic na epekto ang mga hazelnut spread. Ngunit mataas sa mga saturated na taba ang mga pagkain na ito, at dapat kumain lang ng katamtamang dami nito (ACS).
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
Food and Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): 3-Monochloropropane-1,2-diol (MCPD) Esters and Glycidyl Esters
Food and Agriculture Organization of the United Nations: Reducing 3- Monochloropropane-1,2-diol esters and glycidyl esters in refined oils
American Heart Association (AHA o Samahan para sa Puso ng Amerika): Saturated fat
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): Choosing healthy fats (Pagpili ng masusustansiyang taba)
Petsa
Hunyo 24, 2021
Naberipika/na-update: Enero 26, 2022