Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Pinapataas ng hindi aktibong pamumuhay ang panganib na magkaroon ng kanser

Ang maaaring narinig mo

Nauugnay ang kawalan ng pisikal na aktibidad sa mas mataas na panganib na magkaroon ng ilang uri ng kanser (NCI).

Ang sinasabi ng agham sa atin

Mas kaunti ang alam natin tungkol sa hindi aktibong pamumuhay (matatagal na oras ng pag-upo o paghiga) at panganib na magkaroon ng kanser, pero ipinapahiwatig ng kamakailang pananaliksik na hiwalay na salik ng panganib para sa kanser at pagkamatay ang hindi aktibong pamumuhay.

Epidemiological na Katibayan

Natuklasan ng 18 epidemiological na pag-aaral ng hindi aktibong pamumuhay na may mga malaking ugnayan sa istatistika sa pagitan ng hindi aktibong pamumuhay at pagkakaroon ng kanser (Lynch et al). May mas mataas na panganib ang mga taong naglalaan ng mas maraming oras nang nakaupo o nakasandal na magkaroon ng colorectal cancer, endometrial cancer, kanser sa ovary, at kanser sa prostate. Dagdag pa rito, nauugnay ang hindi aktibong pamumuhay sa mas mataas na panganib ng pagkamatay dahil sa kanser sa mga babae. Nakumpirma ang mga resultang ito sa isang cohort ng 8,002 lahing itim at puting nasa hustong gulang noong 2020: Hiwalay na salik ng panganib ang hindi aktibong pamumuhay para sa panganib na magkaroon ng kanser at ng pagkamatay.

Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan

Nagtuon ang mga katibayan sa laboratoryo na gumagamit ng mga modelong hayop para suriin ang ugnayan sa pagitan ng pag-ehersisyo at pagbuo ng kanser sa pagbawas ng panganib na magkaroon ng kanser sa pamamagitan ng pag-ehersisyo, na naipakita bilang epektibo. Kailangan pa ng pananaliksik na sumusuri sa pagiging hindi aktibo o kaunting aktibidad sa mga modelong hayop at pagbuo ng kanser.

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Kasama sa mga rekomendasyon sa pisikal na aktibidad para mabawasan ang panganib ng pagdagdag ng timbang, pagiging obese, at ilang uri ng kanser ang: 150-300 minuto ng katamtamang cardiovascular na aktibidad kada linggo, 75-100 minuto ng masiglang cardiovascular na aktibidad kada linggo, at pagsasanay na pampalakas ng kalamnan nang hindi bababa sa dalawang araw kada linggo (CDC).

Ang dapat tandaan

Pinapataas ng hindi aktibong pamumuhay ang panganib na magkaroon ng kanser at ng pagkamatay Bawasan ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa pamamagitan ng pag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto kada araw.

Lynch et al.: Sedentary behavior and cancer
Gilcrist et al.: Sedentary behavior and cancer mortality
Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit): Sedentary behavior (Hindi aktibong pamumuhay)

Petsa

Nobyembre 2, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022