Malamang o tiyak na totoo
Hindi totoo/maling impormasyon
Hindi pa kami sigurado
Mas ligtas ang mga e-cigarette kaysa sa mga sigarilyo at hindi nagdudulot ang mga ito ng kanser
Ang maaaring narinig mo
Pinapataas ng paninigarilyo ng mga e-cigarette o pag-vape ang panganib na magkaroon ka ng kanser.
Ang sinasabi ng agham sa atin
Kilala ang mga produktong ito sa maraming pangalan, kasama ang mga e-cig, vape pen, vaporizer, at electronic nicotine delivery system (ENDS). Binubuo ang mga ito ng baterya na nag-o-on sa device, cartridge na may likido (o “pod”), at elementong pampainit na nagpapainit sa mga nilalaman ng pod. Medyo bago pa ang mga e-cigarette at kailangan ng higit pang pananaliksik sa loob ng matagal na panahon para malaman kung ano ang mga maaaring pangmatagalang epekto sa kanser (ACS). Naging napakasikat na ng mga e-cigarette at madalas na lumabas sa mga headline ang posibleng koneksyon ng mga ito sa kanser. Kahit na walang tabako ang mga e-cigarette, may nikotina ang karamihan sa mga ito, na maaaring galing sa tabako; bilang resulta, itinuturing ang mga ito bilang mga produktong tabako ng FDA.
Hindi iniaatas ng FDA na suriin ang lahat ng sangkap sa mga e-cigarette para tiyaking ligtas ang mga ito. Dagdag pa rito, hindi inililista ng karamihan ng mga produkto ang lahat ng nakakasama o posibleng nakakasamang sangkap ng mga ito. Ipinahayag ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) na ang mga produktong e-cigarette ay maaaring may mga nakakasama o hindi legal na sangkap mula sa mga hindi alam na pinanggalingan.
Epidemiological na Katibayan
Hindi sigurado ang mga siyentipiko kung nagdudulot ng kanser ang mga e-cigarette, ngunit alam nating naglalaman ang mga ito ng mga kemikal na nagdudulot ng kanser. Ang aerosol na “vapor” ng e-cigarette ay hindi vapor ng tubig. Sa halip, naglalaman into ng iba’t ibang sangkap na maaaring may kasamang:
- Mga volatile organic compound (VOC), na maaaring magdulot ng iritasyon sa mata, ilong, at lalamunan; mga pananakit ng ulo; pagduduwal; at pinsala sa atay, bato, at nervous system.
- Glycerin, na nauugnay sa pagkawala ng paggana ng baga kapag nahinga
- Mga kemikal na panlasa, tulad ng diacetyl, na naugnay na sa bronchiolitis obliterans, isang malubhang sakit sa baga
Formaldehyde, isang kilalang carcinogen na nabubuo kung higit na uminit ang e-liquid o walang sapat na likidong umaabot sa elementong pamapainit (ACS)
Katibayan sa Toxicology
Nauugnay ang vapor ng e-cigarette sa kanser sa baga sa maraming pag-aaral sa hayop (NIH). Natuklasan ng ilang pag-aaral sa hayop na pinapataas ng pang-araw-araw na pagkalantad sa e-cigarette ang paglaki ng tumor na selula (Marczylo).
Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Hindi klasipikado (ngunit carcinogen ang ilang sangkap ng vapor ng e-cigarette, kabilang ang formaldehyde, isang Group 1 na carcinogen, na kilalang carcinogenic sa mga tao)
Paano bawasan ang panganib sa iyo
Ang paggamit ng e-cigarette ay naglalantad sa mga tao sa posibleng malubhang panganib sa kalusugan. Mahalagang tumigil sa paggamit ng lahat ng produkto ng tabako, kasama ang mga e-cigarette, sa lalong madaling panahon para maiwasang malulong (o manatiling nalululong) sa nikotina (JHU) . Kung nahihirapan ka sa pagtigil sa paggamit ng e-cigarette nang mag-isa, humingi ng tulong mula sa iyong doktor o ibang serbisyo ng suporta tulad ng Quitline ng iyong estado (1-800-QUIT-NOW) o sa American Cancer Society (1-800-ACS-2345).
Ang dapat tandaan
Wala pang sapat na katibayan para masabing nagdudulot ng kanser ang mga e-cigarette. Gayunpaman, hindi lang vapor ng tubig ang sangkap ng mga e-cigarette, ngunit mayroon ding iba’t ibang sangkap ang mga ito, kasama ang mga kemikal na nagdudulot ng kanser. Dapat iwasan ang mga e-cigarette dahil maaaring humantong ang paggamit ng mga ito sa pagkalulong sa nikotina at ibang malubhang kondisyon sa kalusugan.
Matuto Pa Mula sa Mga Pinagkakatiwalaang Sangguniang Ito
American Cancer Society (ACS o Kapisanan sa Kanser ng Amerika): E-cigarettes
Food and Drug Administration (FDA o Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot): Vapes/e-cigarettes
Johns Hopkins: E-cigarettes
National Institutes of Health (NIH o Mga Pambansang Institusyong Pangkalusugan): E-cigarettes
Petsa
Inilathala: Hunyo 25, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022