Berdeng bilog na may tandang pananong sa loob Malamang o tiyak na totoo

Pulang bilog na may X sa loobHindi totoo/maling impormasyon

Gray na bilog na may tandang pananong sa loobHindi pa kami sigurado

Baguhin o gawing mas tumpak ang iyong paghahanap

Nagdudulot ng kanser ang paggamit ng tabako

Ang maaaring narinig mo

Ang paggamit ng tabako ay nangungunang sanhi ng kanser at pagkamatay dahil sa kanser. Ito rin ang pinakamalaking maiiwasang sanhi ng kanser.

Ang sinasabi ng agham sa atin

Ang lahat ng produktong tabako, kabilang ang mga sigarilyo, cigar, pipe tobacco, nginunguyang tabako, at snuff, ay may mga nakakalasong sangkap, sangkap na nagdudulot ng kanser, at nicotine (isang kemikal na lubos na nakakalulong).

Ang mga sigarilyo ang pinakakaraniwang anyo ng ginagamit na tabako at responsable ito para sa halos 90% ng mga kanser sa baga, ayon sa American Lung Association (Asosasyon sa Baga ng Amerika) (Johns Hopkins).

Epidemiological na Katibayan

Mas mataas ang panganib na magkaroon ng kanser ng mga taong naninigarilyo at mga taong humihinga ng secondhand na usok ng sigarilyo, dahil may mga kemikal ang tabako na nagdudulot ng pinsala sa DNA. Nagdudulot ang paggamit ng tabako ng maraming uri ng kanser: baga, larynx (voice box), esophagus, lalamunan, pantog, bato, atay, tiyan, pancreas, colon, rectum, at acute myeloid leukemia (kanser sa dugo at bone marrow) (NCI).

Karaniwang binebenta ang mga cigar at pipe bilang mas hindi mapanganib na paraan para manigarilyo ng tabako; gayunpaman, ang mga naninigarilyo ng cigar at pipe ay nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng kanser sa cavity ng bibig, esophagus, voice box, at baga. Mas mataas din ang panganib na magkaroon ng kanser sa labi ang mga naninigarilyo ng pipe dahil sa kung saan nakapatong ang pipestem (Johns Hopkins).

Ang mga taong gumagamit ng walang usok na tabako (snuff o nginunguyang tabako, na inilalagay sa pagitan ng pisngi at gilagid) ay nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng mga kanser sa bibig, esophagus, at pancreas (Johns Hopkins). Higit sa 28 kemikal na nagdudulot ng kanser ang nahanap sa walang usok na tabako.

Katibayan sa Laboratoryo/ Pansuportang Katibayan

Kinumpirma rin ng mga modelo ng hayop na hindi lamang pinapataas ng paninigarilyo ng tabako ang panganib na magkaroon ng kanser sa baga, pero pinapataas din ng panghabambuhay na pagkalantad sa usok ng tabako ang panganib na magkaroon ng kanser sa baga (Hecht).

Klasipikasyon sa Carcinogen ng IARC: Group 1 (carcinogenic sa mga tao)

Paano bawasan ang panganib sa iyo

Walang ligtas na antas para sa paggamit ng tabako. Lubos na hinihikayat na tumigil ang mga taong gumagamit ng anumang uri ng tabako. Ipinapakita ng siyentipikong katibayan na ang mga taong tumigil sa paninigarilyo, anuman ang kanilang edad, ay nakakaranas ng malaking pagdagdag sa maaasahang tagal ng buhay kaysa mga taong patuloy na naninigarilyo (NCI). Dagdag pa, ang pagtigil sa paninigarilyo kapag na-diagnose na may kanser ay nagbabawas sa panganib ng kamatayan dahil sa kanser.

Kung nahihirapan ka sa pagtigil sa paggamit nang mag-isa, humingi ng tulong mula sa iyong doktor o ibang serbisyo ng suporta tulad ng Quitline ng iyong estado (1-800-QUIT-NOW) o sa American Cancer Society (1-800-ACS-2345). Inirerekomenda ng American Cancer Society (Kapisanan sa Kanser ng Amerika) ang pagpili ng walang stress na panahon para tumigil sa paggamit, paghingi ng suporta at paghikayat mula sa mga kapamilya at kaibigan, pag-ehersisyo o paggawa ng ibang aktibidad araw-araw para mabawasan ang stress, pagsali sa programa para sa pagitil sa paninigarilyo, at pakikipag-usap sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa mga gamot na maaaring makatulong sa iyong tumigil (Johns Hopkins).

Ang dapat tandaan

Pinapataas ng paggamit ng tabako ang panganib na magkaroon ng kanser. Iwasan ang paninigarilyo ang pagkalantad sa usok. May mga available na mapagkukunan para tulungan kang tumigil sa paninigarilyo.

National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Tobacco (Tabako)
Centers for Disease Control and Prevention (CDC o Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit): Cancer and tobacco use (Kanser at paggamit ng tabako)
Johns Hopkins: Oral cancer and tobacco (Kanser sa bibig at tabako)
Cancer Research UK: Cancer and smoking (Kanser at paninigarilyo)
National Cancer Institute (NCI o Pambansang Institusyon para sa Kanser): Harms of smoking and benefits of quitting (Mga panganib ng paninigarilyo at benepisyo ng pagtigil)

Petsa

Hunyo 24, 2021
Naberipika/na-update: Agosto 22, 2022